Nandito na kami sa Bahay ni Handrel.
Si Handrel ang kaisaisang Elemental na mas piniling manirahan dito sa camp. Galing siya sa pamilya ng mga Medea,ang Royal blood ng white witches na descendant ng Greek Goddess na si Circe. Mas pinili na niyang maparito pagkatapos ng huling labanan kung saan nasawi ang aking ama. Siya na ang nag provide ng protection dito sa camp kaya hindi basta basta makakapasok ang mga mortal dito.
Pagpasok namin sa loob, ineexpect ko na mukhang bahay ng witch ang makikita ko. Parang isa sa mga nabisita namin ni Jonas na elemental nang dinala niya ako sa New Orleans nung bata pako. Yun tipong may mga herbs na nakasabit sa dingding, mga garapon na may laman na kung ano ano, at mga Enchanted Crystals for protection.
Pero yung bahay ni Handrel, mukhang laboratory! She believes Witch Craft and Science goes side by side.
Pagpasok namin ng pinto, mukhang normal na living room. Pagkatapos ay pinapasok niya kami sa isang kwarto na madaming computer screens, naka ayos by alphabetical order ang mga garapon na naglalaman ng mga herbs at iba't ibang kulay ng liquid sa gilid. May mga charts na naka display sa TV screens, alphabetical order din ang mga libro niya. Sa gitna naman ay may metal table. Sa ibabaw nito ay may mga itim na feathers, nagpatong patong na libro na sobrang kapal, at mga herbs na nakalagay sa loob ng test tube. Ang environment na ineexpect ko ay parang Lord of the Rings, Hindi parang bedroom ni Einstein.
Napansin ko si Brett na ineexamine ang mga garapon sa gilid. Isa isa niyang finifigure out kung ano yung mga nasa loob.
Bumukas ang pinto at pumasok si Magnus at Jonas. Sa likod nila ay may isang babae. Mukhang 21 year old girl na maputi, matangkad, blonde ang kaniyang buhok at naka puting dress ito. Sinara ni Magnus ang pintuan at tinawag kami para lumapit sakanila.
"Handrel, ito si Claire, Hunter, Brett at Chlea." ani ni Jonas
Ngumiti ito at tinignan kami isa isa.
"An Avivampire, a human, a pureblood and a Skyrem all together. Interesting!"
Nagulat kaming lahat! Narinig namin ang kaniyang sinabi pero hindi bumukas ang kaniyang bibig. Its like we heard it inside our heads! But, we ALL heard it. British accent and I swear ito na yung lord of the rings vibe na naimagine ko.
Nagkatinginan si Magnus at Jonas bago nila nilibot isa isa ang kanilang mga paningin saming apat.
Napansin ko si Brett. Hindi maipinta ang kaniyang mukha sa nawiwitness niya.
" Don't be scared, I know why you're here." ani niya
lumapit siya sa computer at nag simulang mag type. Nang umappear ang results, Naglakad siya sa bookshelf sa dulo ng room. Kinuha niya ang isang brown na libro na mukhang balat ng hayop ang cover. Bumalik siya saamin at ipinatong ang libro sa metal table.
"Please, come closer. I've found what you came here for."
Alangan kaming apat lumapit. Nag antayan pa kami kung sino mauuna, hanggang sa unti unting naglakad papalapit si Brett. Ngumiti si Handrel at nilipat ang tingin sakin.
Pag lapit ko, sumunod nadin sila Hunter at Claire.
Sa mas malapit, nakita ko ang nakasulat sa harapan ng libro: "Mysterium potentia".
Mysterium potentia?"The Secret Power"? tanong ko kay Handrel.
Ngumiti siya sakin. And for the second time, nag mind talk nanaman siya..
"Skyrem's are hidden Creatures, Chlea. They are special, powerful and destructive creatures."
"Whoah!"
lahat kami napatingin kay Brett. Bigla siyang napareact unexpectedly.
"Sorry, I just.. Sorry! Hindi lang ako makaget over." dagdag ni Brett.
Binalik ko ang aking mga mata kay Handrel.
"What do you mean, Destructive?" dagdag ko.
Binuksan niya ang libro at nakita kong walang mga nakasulat, puro blank pages lang.
Ipinatong niya ang kaniyang kamay sa ibabaw ng mga pages and this time, galing na sakanyang bibig ang mga lumabas na salita.
"Per regius cruor , EGO to order vos ut ostendo sum!" (By the Royal Blood, I command you to reveal!)
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Hybrid (My first ever tagalog story!) *Ongoing*
RomansaAko si Chlea. Hindi ako pangkaraniwan na nilalang, isa akong Hybrid. Ang nag iisa sa buong ankan ng mga Lobo at Bampira. Dugo ng Lobo at Bampira ang dumadaloy sa aking mga ugat. Namana ko ang lakas ng aking mga magulang at wala sa kanilang mga kahin...