Medyo malayo ang Kampo sa Bahay. Halos isang oras din ang biyahe pag naka sasakyan. Sa bilis ng pag galaw namin ngayon ni Magnus, mga 20 minutes lang, kaya na.
Nakarating na kami sa village namin. Kakaunti palang ang mga bahay na nakatayo dito kaya ito ang napili kong lugar dahil tahimik. Dis oras na din ng gabi kaya wala nang tao sa kalsada. Patay lahat ng ilaw sa loob ng bahay pagdating namin ni Magnus. Nagtago kami sa likod ng isang puno sa gilid at nakitang may dalawang Lobong Creature Hunters ang nakatayo sa tapat ng Garahe at nagbabantay. May dalawa sa bubong ng bahay, tatlo sa Likod, at tatlo sa 2nd floor.
"Magnus, ikaw na bahala sa mga nasa taas. Ako na bahala dito sa ibaba. Hanapin natin ang mga bata at dalhin na sila sa Kampo ngayong gabi!" ani ko.
"Oh sige, Mag iingat ka, Jonas!"
" Ikaw din, Magnus. Bilisan na natin ang pagsagip sakanila at baka may mga dumating pa."
Lumipad na pataas ng puno si Magnus. Nang mawala na siya sa aking paningin, dahan dahan nakong lumipat sa mas malapit na pwesto. Tiniempo kong sa iba nakatingin ang dalawang lobong nagbabantay bago ako nag glide papunta sakanila. Hinawakan ko ang isa sa ulo at binali ang leeg nito. Bago pa makakilos ang pangalawa, ibinaon ko sa dibdib niya ng hawak kong kutsilyo at tinakpan ang bibig nito para hindi makasigaw. Itinago ko ang dalawang bangkay sa ilalim ng mga halaman sa gilid ng bahay at nagtungo para hanapin ang mga bata.
![](https://img.wattpad.com/cover/15425856-288-k736350.jpg)
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Hybrid (My first ever tagalog story!) *Ongoing*
RomanceAko si Chlea. Hindi ako pangkaraniwan na nilalang, isa akong Hybrid. Ang nag iisa sa buong ankan ng mga Lobo at Bampira. Dugo ng Lobo at Bampira ang dumadaloy sa aking mga ugat. Namana ko ang lakas ng aking mga magulang at wala sa kanilang mga kahin...