Ilang araw nakong hindi mapakali. Wala akong mahanap na kahit ano tungkol sa mga Skyrem. Si Hunter wala din masyado alam tungkol sakanila kaya hindi ko na kinulit. Lahat na ata ng keywords na maisipan ko natype ko na sa google pero wala padin lumalabas na kahit anong useful na result. Inisa isa ko nadin mga libro ni Jonas sa library niya kaso wala pa din eh!
*Knock on the door*
"Chlea?"
"Claire? pasok ka lang!"
"Andiyan si Hunter sa baba. Makisama ka naman samin ilang araw ka nang hindi mapakali sa kakahanap mo tungkol sa mga Skyrem eh."
"Hindi kasi talaga ako mapakali, Claire eh! Wala akong mahanap na kahit ano sa kahit saan!"
"Eh, tanong mo si Hunter baka alam niya kung san ka pwede makahanap ng kahit anong information about sa mga kakayahan mo. I'm sure may alam yun!"
"Nahihiya na kasi ako eh, ayoko naman siyang kulitin."
"Sus! ako magtatanong para sayo. Tara na!"
Tumayo ako at tumingin sa salamin.
"Ano ka ba! hindi mo na kailangan mag paganda para kay Hunter! Maganda ka na!" ani ni Claire.
Ngumiti ako.
"Salamat! Pero Claire, uhm..naisip mo ba na baka may gusto sayo si Hunter?"
"Ha? Impossible yun. Alam ko mga type ni Hunter at hindi ako yun! Tsaka ano ka ba, mag bestfriend kami nun noh!" sagot niya.
"Ahh, baka maliban sa Vampire Vision mo, may iba ka pang kailangan buksan para makita mo ang sinasabi ko sayo."
"Ha? anong ibig mong sabihin?"
"Wala, wag mo nang intindihin yun. Sandali lang isasara ko lang yung bintana ko. Susunod nalanag ako sainyo."
Naglakad ako papunta sa bintana. Inabot ko na ang handle nang bigla akong may naramdaman na kakaiba. Binuksan ko ang Hybrid vision ko at nakitang may mga nagtatagong mga Bampira at Lobo sa paligid. Nararamdaman ko din ang gutom nila para sa dugo at pula ang mga energy levels na nakabalot sa kanilang mga katawan.
Shit! Mga Creature Hunters!
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Hybrid (My first ever tagalog story!) *Ongoing*
Roman d'amourAko si Chlea. Hindi ako pangkaraniwan na nilalang, isa akong Hybrid. Ang nag iisa sa buong ankan ng mga Lobo at Bampira. Dugo ng Lobo at Bampira ang dumadaloy sa aking mga ugat. Namana ko ang lakas ng aking mga magulang at wala sa kanilang mga kahin...