Claire

1.5K 34 1
                                    

*Flashback*

"You can do it, dork! Concentrate!"

"I'm trying, Hunter! I've been doing this day in and day out and I don't get why I STILL can't hit the damn target!"

"Claire, focus lang. Breathe. Inhale then throw the stake pag exhale mo."

Araw araw akong nag tatarget practice. Pero hindi ko padin maasinta yung silver stake ng tama sa dibdib ng target dummy.

Halos dito nako nakatira sa training grounds. Maliban sa classroom, dito nako nahahanap ni Hunter.

"One more shot, Claire. Focus! You can do this, c'mon!"

I started training at the age of 6. One morning nagising nalang ako na si Magnus kasama ang isang batang lalaki,  ang nakaupo sa sala namin sa bahay. Hinanap ko yung magulang ko pero, sa murang edad na iyon, ramdam ko na hindi na sila babalik.

Umalis sila nung kinagabihan for a mission. Parehong punong mandirigma ang magulang ko kaya sila ang inatasan  mag lead ng grupo ng mga mandirigma dahil may nabalitaan silang may mga creature hunters daw na nangunguha ng tao at dinadala sa gubat para patayin. Galing to sa isang nahuli nilang ispiya na creature hunter. Kaya nung kinagabihan mismo, lumakad sila para itigil ito.

Pagdating nila sa sinabing location, pinalibutan sila ng malaking grupo ng creature hunters. Kasama nila ang isang pamilyar na mukha.. Si Gardo.

Ang rescue mission, ay isang ambush pala.

Sinadya ni Gardo ang paghuli sa ispiya para mapalabas nila sa gubat ang mga mandirigma. Pagdating doon, pinalibutan sila ng mga creature hunters at pinapili. Sumanib o mamatay.  Sabi ni Magnus, ni isa sa mga mandirigma ay hindi pumayag sumanib kay Gardo. Lahat sila, kasama ang mga magulang ko ay nasawi sa pakikipaglaban.

Kinabukasan ay may mensaheng natanggap ang council tungkol sa pangyayari. Isinama pa ni Gardo sa mensahe ang suot na kwintas ng aking ina.

Nang makita ito ni Magnus, tumungo na siya para sunduin ako. Isinama niya ang isang maliit na batang Hunter, na sumisilip silip lang mula sa likod ng binti ng kaniyang Ama. Sila na ang naging pamilya ko simula noon.

And now andito nako, at 13 vamp years and kilalang anak ng mga punong mandirigma na pinagtatawanan dahil pang huli ako sa training class.

Haaayy.. Okay. Here goes nothing..

Inhale..
Exhale...

*Throw*

Pinikit ko ang mga mata ko dahil hindi ko ma matake makitang paulit ulit akong sumasablay.

"Claire.."
Narinig ko ang pagtawag sakin ni Hunter. Unti unti kong binukas ang aking mga mata at nakitang sa gitna ng bullseye nakasaksak ang silver stake na na kanina lang ay hawak hawak ko.

" You did it!! Ano? Mayabang ka na niyan?? Whoo tara punta tayo kay Dad I have to tell him you're about to be the best warrior this camp has ever seen!! Let's go!!"

Hinila ni Hunter ang kamay ko papunta sa council building. Lampa lampa pako sa pag gglide kaya binuhat nalang ako ni Hunter.

Pinangako ko sakanya na magiging punong mandirigma ako someday. At tutuparin ko ang pangakong iyon.

My Girlfriend is a Hybrid (My first ever tagalog story!) *Ongoing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon