Jonas

4.3K 51 5
                                    

"May narinig ka na ba mula kay Chlea? kamusta na ang pakiramdam niya?" tanong ni Magnus

"Wala pa as of now. Ang sabi ni Claire matutulog buong araw si Chlea pero hindi din siya lumabas ng kwarto niya para kumain ng lunch. Balak ko na siyang dalawin kaso baka natutulog at ayoko naman siyang maistorbo" sagot ko

"Subukan mo nalang iwanan ng pagkain para pag gising niya ay hindi na niya kailangan pang tumayo at lumabas ng kwarto."

"Oh sige, Magnus. Magkita nalang tayo mamaya sa training grounds."

Naglakad ako palabas ng Council at nag tungo sa cafeteria. Simula ng nanatili kami ni Chlea dito, nag pasupply na kami ng pagkain pang tao para sakanya. Kukunan ko nadin siya ng gamot at baka kailanganin niya to.

Kumuha ako ng Saging at sopas para kay Chlea. Ito ang lagi niyang hinahanap pag masama ang pakiramdam niya. Hawak hawak ko ang Tray ng pagkain at nagtungo papunta sa kwarto ni Chlea.

*Cellphone rings*

Nilabas ko ang cellphone ko at nakitang si Chlea ang tumatawag. Tamang tama at baka magpapadala na nga siya ng pagkain.

"Hello, Chlea? papunta.."

"Jonas! Pumunta ka sa Likod ng Camp ngayon na!"

Maingay ang background kaya mukhang wala siya sa kwarto niya

"Chlea what's wrong nasaan ka?!"

"Jonas tulong SHIIIIT ..CLAIIIIRE IWAS! !"

"CHLEA?! ANONG NANGYAYARI?! CHLEA!!"

Naputol ang tawag! Nabitawan ko ang Tray ng pagkain at nag glide papunta sa likod ng Camp.

Ilang sigundo lang ay nakarating nako at nakitang nagkakagulo sa labas. Si Claire at Hunter ay nakikipaglaban sa tig dadalawang Creature Hunters.

Nasan na si Chlea? hindi ko siya makita!

Biglang tumilapon si Claire sa gilid at tumama ang buong katawan nito sa puno.

Nag glide paatake ang Creature Hunter kay Claire hawak hawak ang silver stake sa kanyang kamay. Halata sa itsura ni Claire na naapektuhan siya sa pagtama niya sa puno. Hindi siya makatayo agad at dahan dahan lumalapit sakanya ang Creature Hunter hawak hawak ang isang Silver Stake sa kaniyang kamay.

Pinulot patayo ng Bampira si Claire. Buhat buhat niya ito sa leeg at nilabas nito ang kaniyang silver stake. Pinuwesto niya ito sa ibabaw ng dibdib ni Claire handang saksakin ang dalagang bampira.

"CLAIRE!!!!!!" sigaw ni Hunter

My Girlfriend is a Hybrid (My first ever tagalog story!) *Ongoing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon