History class! Makikita ko na uli si Chlea.
*There's your girl, pare!"
Lumingon ako sa direksyon na tinuro ni Ash. Nakita ko si Chlea na pumasok sa room. May kausap siyang isang babae na ubod din ng hot.
"You know I love me some girls with tattoos, right?" Bulong ni Ash.
Halatang natripan niya yung kasama ni Chlea. I'm not surprised! Pareho silang drop dead gorgeous!
"Bro, tara! pakilala kita!" sabi ko kay Ash.
"Ayun oh! The best ka talaga!" sagot niya.
Naglakad kami papunta kay Chlea at sa kasama niya.
"Hi, Chlea! And uhm.."
Tumingin ako sa kasama niya.
"Claire. Her name's Claire. Uhm.. cousin ko, galing din siyang States." ani ni Chlea.
"Ah, nice to meet you, Claire!"
Inabot ko ang aking kamay para kamayan siya. Tinanggap niya ito at ngumiti.
"Siya nga pala! This is my homeboy, Ashton! Ashton, this is Chlea and her cousin, Claire!"
"Hi, Chlea! its nice to meet you! Especially you, Claire! Nice to meet you!"
Nakita kong nagblush si Claire sa pagngiti sakanya ni Ashton.
Lakas talaga nitong kaibigan kong to kahit kailan! Palibhasa mestisong mestisong siya. Matangkad, macho at higit sa lahat, assistant team captain ng varsity basketball team namin dito sa school.Ay! Wala pang partner si Claire sa History project namin! Sakto!
"Ay, Ash! wala ka pang partner sa history project natin diba? nasa homecoming committee ka kahapon kaya, napa absent ka sa first subject natin? diba? diba?"
Tinabig ko si Ashton. Iba talaga pagkakaintindihan namin nito!
"Ahh, Oo! President kase ako ng homecoming committee kaya I had to be excused kahapon. Sooo, Claire? partners tayo?"
Nagtinginan sila ni Chlea.
"Sure! I'm sure she's okay with that!" Sabi ni Chlea.
Nakita kong parang nag alangan si Claire.
"Uhh, Chlea pwede mo ba ko samahan sandali sa restroom?" tanong ni Claire.
"huh? why? what's wrong?" pagtataka ni Chlea.
"Uhmmmn...Girl problems?" ani ni Claire.
"Ha? Ay oo! sige sige! Guys, excuse me lang ah?"
Tumayo ang dalawa at hinila ni Claire si Chlea papunta sa restroom.
"Pare, walang wala pala ang pogi problems natin sa girl problems eh!" iling ni Ash.
"Dude, just chill! I'm sure babalik din yun! lakas mo kay Claire ah!" Tinapik ko sa balikat si Ash.
"Tsss, bro! kita mo? nagwalk out agad oh? wala pare wala akong pag asa!"
"What? ang nega vibes mo lang ah! basta tiwala lang! Kaya natin to!"
"Okay class please take your seats and bring out your textbooks and open it to page 33."
Dumating na yung teacher, hindi pa din sila bumabalik. Nasan na kaya yung dalawang yun?
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Hybrid (My first ever tagalog story!) *Ongoing*
DragosteAko si Chlea. Hindi ako pangkaraniwan na nilalang, isa akong Hybrid. Ang nag iisa sa buong ankan ng mga Lobo at Bampira. Dugo ng Lobo at Bampira ang dumadaloy sa aking mga ugat. Namana ko ang lakas ng aking mga magulang at wala sa kanilang mga kahin...