"Chlea, are you ready?" Tanong ni Jonas.
"Do I look like I'm ready??" Isinagot ko sakanya.
Idinala ako ni Jonas dito sa Amerika para mailigtas ako sa mga Creature hunters na gusto akong gamitin laban sa aming buong lahi. Ngunit ng humingi ng tulong ang Council leader kay Jonas, napag desisyunan niya na bumalik at tulungan ang mga natitirang lahi ng Lobo at Bampira na unti unti nang nauubos. Pagkatapos matalo sa huling digmaan, mahigit kalahati sa aming populasyon ang nabuwis ang buhay. Nagtago ang magkakamping lahi at naki bilang ng lamang sa mga tao."
"Chlea, kailangan natin gawin ito. Binuwis ng ama mo ang buhay niya hanggang sa huli para ipaglaban ang ating lahi."
"Hindi ba ikaw ang ipinatawag at hindi ako? bakit kailangan mo akong bitbitin pabalik ng Pilipinas? Pareho nating alam na kailan man hindi ako nagawang tanggapin ng mga Bampira at Lobo. Dahil kakaiba ako!"
"Hindi lang nila alam ang tunay mong kakayahan. Natatakot lang sila sa pwede mong gawin."
"Exactly! They fear what they don't even know. Nandidiri sila sa halo ng dugo na dumadaloy sakin dahil hindi ako kabilang sa buong Bampira o buong Lobo tulad ninyong lahat! Magkahati ako ng pareho at freak ang tingin nila sakin! Isang FREAK!"
"Matatanggap ka din nila. You have both your parent's strengths and none of their weaknesses. Pag nakita nila na mabuti kang tao kahit kakaiba ang lakas mo, they'll give you a chance."
Tinaasan ko ng kilay si Jonas at sinabing "Aha! Yeah, right! BITE ME!" sabay walk out.
Padabog akong pumunta sa kusina at binuksan ang refrigerator. Naglabas ako ng blood bag at isinipsip ito gamit ang straw. Masyado uminit ang ulo kay Jonas kanina at kailangan kong magpalamig.
Kahit may lahi akong Bampira, hindi ako pumapatay ng tao. Sabi ni Jonas, pag nakatikim ka ng dugo ng tao, makakalimutan mo na ang buong pagkatao mo hanggang sa lamunin ka nito at tuluyang mawala sa sarili. Kaya synthetic blood lang, okay na sakin. Ayoko nang subukan pa ang iba.
Naglakad nako sa taas para kunin ang aking bag at nagtungo na sa kotse.
Pagka sarado ko ng pinto, umalis na kami agad. Wala na akong nagawa kundi pagmasdan ang bahay namin hanggang mawala na ito sa aking paningin.
"Chlea, alam kong.."
Sinubukan akong kausapin ni Jonas. Pero hindi ko na siya pinatapos.
"Seriously. Don't talk to me."
Nilakasan ko nalang ang volume ng headphones ko at tumingin sa labas ng bintana. Ayoko na marinig pa ang gusto niyang sabihin.
![](https://img.wattpad.com/cover/15425856-288-k736350.jpg)
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Hybrid (My first ever tagalog story!) *Ongoing*
RomanceAko si Chlea. Hindi ako pangkaraniwan na nilalang, isa akong Hybrid. Ang nag iisa sa buong ankan ng mga Lobo at Bampira. Dugo ng Lobo at Bampira ang dumadaloy sa aking mga ugat. Namana ko ang lakas ng aking mga magulang at wala sa kanilang mga kahin...