Jonas

4.4K 59 0
                                    

Sinadya ko magising ng maaga ngayon dahil kailangan namin maghanda para sa digmaang mangyayari mamayang gabi. Hindi pa sumisikat ang araw at pinabayaan ko muna ang aking sarili maramdaman ang malamig na hangin ng umagang ito. Ano man ang mangyari mamaya, may mga alaala parin akong maibabaon.

Inayos ko ang aking kama at itinupi ang kumot. I've always been a neat freak. Isa ito sa kinaaasaran sakin ni Chlea dahil nung bata siya, 3 beses ko siyang pinaghuhugas ng kamay bago kumain ng kahit anong pagkain.

Chlea loves Hamburgers. I remember the first time she had one! 5 years old siya in vampire years at inakalang dugo yung ketchup.

"Jonas, I didn't know people drank blood?" ani niya.

Napaka liit pa ng boses ni Chlea pero walang pigil sa pagkkwento.

"Ha? San mo naman narinig yan, Chlea?"

"There! See! They open these little packets then blood comes out! Can we try, Jonas? pleeeease??"

Nagpupumilit siya habang hawak hawak ang kamay ko. Naglakad kami papasok ng restraurant at umorder ng dalawang Cheeseburger.

Pagkaupo na pagkaupo ay kumuha agad siya ng packete ng ketchup at sinipsip ito.

"Ba't ganto lasa? Kadiri!" ani ni Chlea

"Chlea, this isn't people blood. Tawag dito tomato sauce or ketchup. And this one right here,  is what people call a burger. Nakakain ka na ng cheese diba? may cheese yan sa loob tapos ilalagay mo yung ketchup sa ibabaw then you eat it!"

Halata sa itsura ni Chlea na pinagaaralan niya ang pagkain na nasakanyang harapan. Binuksan niya ang burger, nilagay ang ketchup sa ibabaw ng cheese, at kinagat ito.Palibot libot ang tingin ni Chlea habang nilalasahan niya ang burger.

"You like it?" pangiti kong tanong

"YES! I wanna have this for breakfast EVERYDAY!"  sagot niya

"Well, hindi pwede kase unhealthy yan pag araw araw. Siguro once in a while balik tayo dito."

Ngumiti si Chlea at nagpatuloy sa pagkain ng burger na mas malaki pa sa kaniyang kamay nung mga panahon na iyon.

Usually, every saturday til Chlea was 11 vamp years, pumapasyal kami. She made friends everywhere we went kahit palipat lipat kami ng lugar dahil mabagal ang aging process.

Pagtapak ni Chlea ng 13, dinala ko siya sa isang gathering ng mga supernaturals sa New Orleans. Excited si Chlea makakilala ng mga katulad niya. She was her usual self at sinubukan niyang makipag kaibigan but somehow, hindi siya magawang matanggap ng mga werewolves at Vampires dahil hybrid siya. Umalis kami sa gathering na iyak ng iyak si Chlea.

After nun ay nagbago ang pananaw niya sa mga kalahi namin. Lagi niyang sinasabi na buti pa ang mga tao, hindi siya pinandidirian. Pero yung mga sarili niyang kalahi, hindi siya matanggap. Nawalan na siya ng pakealam and she hated herself for being a hybrid. She hated her entire existence.

Yun na ang simula ng paglayo ng loob sakin ni Chlea.

My Girlfriend is a Hybrid (My first ever tagalog story!) *Ongoing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon