Dumiretso kami sa training grounds kung san nag aantay ang mga mandirigma. Nililibot ko yung tingin ko at isa isa silang pinag mamasdan. Kung hindi mo alam na may hidden war palang nagaganap sa ilalim ng radar ng mga tao, pagkakamalan mo silang mag rriot or mang gugulo lang sa isang rock concert. Prepared makipag slaman to death. Parang scene lang sa movie actually, full on battle gear and game face on. Lahat sila nakatingin sa harap kung san nag bbrief about sa plano si Magnus. Nasa kanan niya si Jonas at Hunter, sa kaliwa naman kami nakatayo nila Chlea at Claire.
Bakas sa bawat mukha ng mga lobo at bampira dito ang kaba. Kaba pero walang halong takot... Kundi pag asa.
" Sa gabing ito, makikipaglaban tayo para sa kalayaan. Panahon na upang ipaglaban natin ang karapatan ng bawat isa satin mabuhay, at para sa buhay ng nga susunod pa sa ating henerasyon! Ang skwelahang yun ay puno ng mga kabataang may karapatan mabuhay. Hindi sila katulad natin, oo! Ngunit hindi din dapat sila napasama sa gulong ito."
Napatingin ako kay Chlea. Nakatitig siya sa crowd ng vampires and werewolves sa kaniyang harapan. I can tell she's never been more ready to fight for each and everyone of them standing before her.
Nilipat ko ang attention ko sa kaniyang kamay. Gusto kong hawakan ito, maparamdam sakanya na kahit tao lang ako at hindi si superman, ay ipagtatanggol ko siya.
Unti unti kong nilapit ang mga kamay ko.
"Chlea? May gusto ka bang sabihin?"
Bigla kong binalik sa bulsa ang kamay ko ng tinawag ni Magnus si Chlea sa harapan.
Whoo! Mejo muntik na yun pero sige. Hari nako ng bad timing kahit kailan
nga naman oh!
![](https://img.wattpad.com/cover/15425856-288-k736350.jpg)
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Hybrid (My first ever tagalog story!) *Ongoing*
RomanceAko si Chlea. Hindi ako pangkaraniwan na nilalang, isa akong Hybrid. Ang nag iisa sa buong ankan ng mga Lobo at Bampira. Dugo ng Lobo at Bampira ang dumadaloy sa aking mga ugat. Namana ko ang lakas ng aking mga magulang at wala sa kanilang mga kahin...