*****

4.1K 65 12
                                    

"Take a picture it'll last longer!" 

Pabirong sabi ni Claire.

Halatang halata ang pagkatulala namin ni Hunter sakanilang dalawa ni Chlea.

"Chlea, uhm you look.."

Ngumiti siya. Shit! Mas lalo kong nakalimutan ang sasabihin ko pagkatingin niya sakin.

Ang ganda niya! Sobrang, ganda niya! Hot na nga siya para sakin kahit naka normal outfit lang siya pero ngayon, she's gorgeous!

"Thanks, Brett..I think?" 

Hindi ko napansin na hindi ko natapos ang sasabihin ko. Napatulala lang ako ng walang sabi sabi. Napangiti lang ako pabalik nang biglang magsalita si Jonas.

"May kailangan pa tayong gawin bago natin ituloy ang gabing ito." 

Whew! Awkward moment breaker! 

"Ano yun, Jonas?" tanong ni Claire

"Pupunta tayo sa Medea. Matutulungan niya tayo sa lahat ng kailangan natin malaman tungkol kay Ashton. For sure mabibigyan niya din si Chlea ng mas mabuting idea about sa pagiging Skyrem niya."

"Sino si Madea?" tanong ko.

"Ang Madea ay isang uri ng Elemental. Ang lakas nila ay galing sa liwanag, sa light magic." sagot ni Jonas

"Ahh, so yung parang mga witches na sinasabi nila Chlea?"

"Oo, Brett. Ganoon na nga. May resident Elemental kami dito. Sigurado akong matutulungan niya tayo. Andoon na si Magnus sa Bahay ni Handrel. Inaantay na nila tayo kaya tayo na at kakailanganin natin lahat ng tulong na makukuha natin."

Nauna nang naglakad si Jonas samin at sumunod naman sakanya si Claire at Hunter. Nagkatinginan kami ni Chlea sandali pero inalis niya din agad ang tingin niya sakin.

"Ah, Wait lang Chlea!"

Tumigil siya at lumingon sakin. Naglakad ako papalapit at ngumiti sakanya. Ang ganda niya talaga! Naaalala ko yung painting sa library, kamukhang kamukha niya!

"Bakit, ano yun Brett?"

"Ah, Uhm whatever happens tonight, I just wanted to make sure I get to tell you na, ano...."

Napatingin ako sa mga mata niya. UGH! Biglang bumalik yung hiya ko! Usually naman andali nito para sakin! Simpleng "Chlea, you look amazing!" Hindi ko pa masabi! Sige tama yan Brett, matorpe ka nakakahiya ka!

"Na?" naglakad palapit sakin si Chlea at inaantay niya ang sasabihin ko. SHIT! 

"Na, ano..pwedeng sabay na tayo maglakad baka kasi mawala ako eh uhm, ayun,let's go?"

"Ah, yeah! of course sige let's go. Just stay Close to me para hindi ka mawala." sagot nito.

This is the first time EVER na natorpe ako. UGH! What's wrong with me!? Nakakainis, why do I always feel nervous around her,  Damn it!

My Girlfriend is a Hybrid (My first ever tagalog story!) *Ongoing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon