Sabay kaming nag lunch ni Claire. Hindi ko alam kung ano ginawa ni Jonas pero sinigurado niyang halos magka pareho kami ng schedule ni Claire ng mga subjects. Sa isang araw na nakasama ko siya, natuwa ako dahil mas nakilala namin ang isa't isa.
*Door bell rings*
Sino kaya to? dis oras na ng gabi ah?
Naglakad ako papunta sa pinto at binuksan ito.
"Anong...."
Napatigil ako sa nakita ko.
"Hi Chlea!"
Ohmygod si Hunter! Wait, si Hunter? anong ginagawa niya dito?
"Uy! Hunter uhm, anong ginagawa mo dito? Gabi na ah?" tanong ko.
"Uhm, May nakita ka bang bampira na mahilig gumala ng maaga?" Ngumiti siya.
Seryoso medyo nakakainis ang kgwapuhan niya napapatulala ako!
"Chlea?"
"Ay! Sorry sorry, ano uli sabi mo? inatake lang ako nang pagka abnormal ko sorry! ano yun?"
Natawa siya sa sagot ko. Ugh! kulang nalang ipahalata kong naglalaway ako eh! Chlea, steady!
"Si, Claire ba andiyan? Hindi niya sinasagot phone niya eh."
Sino daw? si Claire? SI CLAIRE?!!!!
"Si Claire? bakit ano namang gagawin dito ni Claire?"
"If I'm not mistaken, hindi ba dito na siya nakatira?" sagot niya.
Ay shit! Oo nga pala! Ngayon pako tinamaan ng amnesia!
"Ay oo nga pala! sorry sorry! hindi kasi ako sanay na may ibang tao maliban kay Jonas. Come in! Come in! tatawagin ko siya for you!"
Ngumiti siya at nag thankyou.
Huhu ang pogi niya pero si Claire naman ang hinahanap niya. Malas talaga ako kahit kailan sa pogi!
"Make yourself at home. She'll be down in a bit!"
"Thanks, Chlea!"
"You're Welcome, Hunter! anything for you!" sagot ko.
"Uhm ano yun?"
Seryoso Chlea ang loser mo lang. Sige tama yan!
"Ah, what I meant was, anything for the guests!"
"Ahhh, okay."
"Wait lang ah, tawagin ko lang siya!"
Tumakbo ako papunta sa kwarto ni Claire.
Pagbukas ko ng pinto, si Claire gumagawa ng homework.
"Uy Claire! mamaya ka na magpaka masipag diyan!"
Napalingon sakin si Claire.
"Anong nangyari sayo ba't pulang pula ka? naligo ka ba sa mainit na tubig?"
"Gosh seryoso ka ang pula ko?!"
Tumakbo ako sa harap ng salamin at nakita kong talo ko pa kamatis sa pula.
"Kahit kailan talaga pag inatake ako ng pagka abnormal medyo wild eh!" sabay hawak sa mukha ko.
"Anong meron? Are you okay?"
Tinaas niya ang kilay niya.
"Lasing ka ba?" dagdag nito.
"Hindi noh!" hiyaw ko
"Nag excercise lang ako kaya, pawis ako at namumula. Wag ka na magtanong. Si Hunter nasa baba, hindi mo daw sinasagot phone mo."
"Talaga andiyan siya? The best talaga si Hunter! Isang gabi palang akong wala, namiss nako agad!"
"Oo nga eh buti ka pa." bulong ko.
"Ha? may sinasabi ka?"
"Ako? Wala kumakanta lang."
"Ahhh!"
Nagligpit na si Claire ng mga gamit niya sa ibabaw ng kama at ipinasok ito sa bag para puntahan si Hunter sa baba. Hindi ko na napigilan ang sarili ko magtanong kung anong meron sakanila.
"So, Claire...Uhm.... hmmm....are you guys, like together? or dating? or like..something?"
Tumingin sakin si Claire sabay tumawa ng malakas.
"What? me and him? Ohmygod no! Bestfriend ko siya! adik ka ba? haha!"
"Bestfriends as in???"
"As in magkaibigan lang kami. Mas matanda siya satin ng 2 years at bata palang kami, siya na tumayo na parang kuya ko. Pinagtatanggol niya ko at inalagaan. Ama niya si Magnus, kaya mataas ang tingin sakanya ng mga Bampira at Lobo. Nangako ako sakanya na ako ang magiging pinaka magaling na mandirigma balang araw. Hanggang sa, nangyari nga iyon."
"Ahh, ganun ba. Bestfriends kayo."
"Oo, bakit mo naman natanong?"
Napatigil si Claire sa pagliligpit at tumingin sakin.
"May gusto ka sakanya ano? admit it! kaya ka namumula!" Abot hanggang tainga ang ngiti ni Claire.
"Ako? pfft no! Omg..no." Hindi ko masalubong ang tingin ni Claire. Patay!
"Ano ka ba! Mabait si Hunter! Super sweet at napaka gentleman!"
Napangiti ako sa sinabi niyang yun!
"Talaga, Claire?"
"Oo! Walang mas nakakakilala sakanya kundi ako. kaso, madaming naghahabol sakanyang mga babaeng bampira pero wala pa naman siyang nafifirst kiss."
Hindi ko pa nga nakikilala yung tao, may kakumpetensya na ko agad? Kailangan ko icheck mamaya kung may balat bako sa pwet or what!
"Ahh. uhm basta Claire, atin atin nalang muna to ah?"
Ngumiti siya sakin. "Oo sige promise! Quiet muna ako."
"Salamat! Sige na baba ka na dun baka nakatulog na yun sa kakaantay sayo."
Binuksan ko na ang pinto para makalabas na kami.
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Hybrid (My first ever tagalog story!) *Ongoing*
RomanceAko si Chlea. Hindi ako pangkaraniwan na nilalang, isa akong Hybrid. Ang nag iisa sa buong ankan ng mga Lobo at Bampira. Dugo ng Lobo at Bampira ang dumadaloy sa aking mga ugat. Namana ko ang lakas ng aking mga magulang at wala sa kanilang mga kahin...