Hinila ni Hunter si Claire palayo sa bintana at tumayo sa harapan nito. Hawak hawak niya ang silver stake niya sa kanyang kanang kamay at hinanda ang sarili.
Unti unting naglakad papunta sa bintana ang dalawang pares ng paa. Tumigil ito malapit sa butas at biglang dumungaw sa loob.
Nanlaki ang aking mga mata. si Jonas!
"Chlea? Ikaw ba yan?"
"Jonas! andito kami!"
Isiniksik ni Jonas ang sarili papasok ng bintana. Tumingin ito sa paligid at napatigil ng makita ang dalawang lalaki sa aking likuran.
"Chlea, ano to? bakit may mga mortal na tao dito?" tanong niya.
Patay! Papagalitan nanaman ako nito!
"Uhm, si Brett and Ashton, Schoolmates namin ni Claire."
"Chlea hindi ko tinatanong kung sino sila. Ang tinatanong ko ay kung bakit sila nakasama dito?!"
Biglang may sumunod na pumasok sa bintana. si Magnus.
"Dad!" ani ni Hunter.
"Hunter, okay lang ba kayo? may nasaktan ba sainyo? Claire, ayos ka lang ba?"
"Opo, sir! Okay lang po kami." sagot ni Claire.
"Ikaw, Chlea? ayos..."
Tulad ni Jonas, napatigil din si Magnus ng makita ang dalawa sa likuran ko.
"Chlea, tinatanong kita. Nilagay mo ang dalawang mortal na ito sa kapahamakan. Akala mo ba hindi sila papatayin ng mga Creature Hunters sa unang pagkakataon na makukuha nila? Naging iresponsible ka, Chlea!"
"Jonas, walang kasalanan si Chlea." Ani ni Claire
"She's right, Sir! Bigla bigla lang sumulpot ang dalawang yan sa labas ng bahay ninyo kanina. Si Chlea ang nagligtas sa kanila." dagdag ni Hunter.
Grabe. Gustong gusto ko matunaw sa kinatatayuan ko. Buti pa si Magnus may gana magtanong kung ayos lang ba kami. Si Jonas sinermonan ako agad agad.
"Ah, Sir! pasensya na po pero, totoo po yung sinabi ni Hunter. Pumunta lang po kami ni Ashton dito dahil, uhm...gusto ko po makita si Chlea." ani ni Brett.
Napalingon ako sakanya. Anong pinagsasasabi ng lalaking to?
"Wala po siyang kaalam alam dito. Ako po ang may kasalanan." dagdag nito.
Tumingin siya sakin at sinabing "Gusto ko lang po talaga siyang makita."
Ngayon ko lang napansin na maganda pala ang mga mata ni Brett. Light brown ang mga ito. Napansin niya sigurong napatitig ako sakanya kaya ngumiti ito sakin. May bigla akong naramdaman na kakaiba para kay Brett. Hindi ko alam kung bakit pero parang gusto ko siyang yakapin.
"Ako din po gusto ko lang makita si.." dagdag ni Ash ngunit napatigil ng napansin na lahat ay napatingin sa kanyang direksyon.
"Uhm..si Claire po. I just wanted to see her." dagdag nito.
Kitang kita ko na namula si Claire sa narinig nito. Too bad I can't say the same for Hunter. Hindi maipinta ang selos sa mukha niya.
"Chlea." ani ni Jonas.
Wala akong masagot kay Jonas. Napatingin lang ako sakanya.
"Chlea, pasensya na pero kailangan kong gawin to."
Nilapitan niya si Brett at Ashton. Haay! Sinasabi ko na nga ba. Gagamitan niya ng Halcyon ang mga ito. Kapangyarihan na mabura ng mga bampira ang mga alaala ng mga mortal na tao. Saya at katahimikan lamang ang mararamdaman nito. Kaya nitong burahin ang kahit anong naisin nitong burahin na alaala. Katulad nalang ng mga nangyari ngayong gabi. Pati kami ni Claire, pwedeng mabura sa alaala ni Brett at Ashton.
Tumingin ako kay Claire. Nakita ko sa mga mata niya ang lunkgot. Alam kong alam niyang sisiguraduhin ni Jonas na kasama kami sa mga makakalimutan ng dalawa.
Sayang dahil sa mga mortal na tao lang to gumagana. Wala kaming magagawa ni Claire kundi itago ang katotohanan at mag kunwari na wala kaming kahit anong lungkot o sakit na nararamdaman sa pagkabura namin sa alaala nila.
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Hybrid (My first ever tagalog story!) *Ongoing*
RomanceAko si Chlea. Hindi ako pangkaraniwan na nilalang, isa akong Hybrid. Ang nag iisa sa buong ankan ng mga Lobo at Bampira. Dugo ng Lobo at Bampira ang dumadaloy sa aking mga ugat. Namana ko ang lakas ng aking mga magulang at wala sa kanilang mga kahin...