Jonas

6.4K 71 1
                                    

May 3 nakidnap mula sa angkan ng mga Lobo kagabi. Ang sabi ni Claire, nakapalibot ang mga mandirigma sa bawat gilid ng Camp. Hindi nila maintindihan pano nakapuslit sakanila ang mga Rebelde.

"Jonas,  Natagpuan namin ang bangkay ng isang lalaking Lobo malapit sa batis. Mukhang may mensahe na gusto ipaabot si Gardo saiyo." Ani ni Magnus, isang Council member.

"Anong ibig mong sabihin? ano yun?" tanong ko.

May inabot saaking sulat si Magnus. May bahid ng dugo ang gilid ng papel. Baka galing sa lalaking lobo na natagpuan nila.

Jonas,

Maligayang Pagbabalik, Jonas! Natutuwa kaming lahat at naisipan mong umuwi dito at isama si Chlea. kamukhang kamukha siya ng kanyang ina at naramdaman ko ang lakas ng kapangyarihan na pumupulupot sa kanyang buong katawan. Siguro naman, hindi masama na makilala niya ang natitira niyang kadugo? Bilang nag iisa niyang Tio ay may karapatan naman ako sigurong makasama ang namumukod tangi kong pamangkin, hindi ba? Tutal matutulungan ko siyang mapahusay ang kaniyang buong kakahayahan. Inaasahan ko ang ating muling paghaharap, kaibigan.

Gardo

Traydor! Siya ang pumatay sa magulang ni Chlea! Inuna niya si Amanda at siniguradong sumunod si Rodan! Pagbabayaran niya to!

"Jonas, anong problema?"

"Magnus, kailangan ko ng tagabantay ni Chlea. Alam kong malakas siya, ngunit hindi pa siya sanay sa kanyang mga kapangyarihan."

"Nangangamba ako na baka magtagumpay si Gardo na gamitin si Chlea sa kanyang madidilim na plano." Ani ni Magnus.

"Kilala ko si Gardo. Simula't sapul, yun ang pinaplano niya. Gusto niyang lokohin si Chlea para sumanib sakanila! Magnus, Lahat gagawin ko. Kailangan ko ng tagabantay kay Chlea."

"Alam ko kung sino ang pwede, Jonas. Ipapatawag ko na siya!"

My Girlfriend is a Hybrid (My first ever tagalog story!) *Ongoing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon