*****

4.8K 61 5
                                    

Sinabi ko din kay Claire ang plano ko makipagkita kay Brett sa Commons pagkatapos ng training kahapon.

Nung una hindi siya pumayag na pumunta ako mag isa. Pero sinabi ko naman na bibilisan ko at baka masyadong mahalata kapag dalawa kaming nawala. Besides, kailangan siya sa meeting at kailangan ko ng taga update tungkol sa mga pangyayari. Nagkunwari akong may sakit para pabayaan ako ni Jonas na hindi lumabas ng kwarto ngayong araw at pagkatapos ay tumakas nako paalis ng Camp.

Nakarating ako sa Commons saktong 2pm. Dala dala ko yung report namin at inilabas ko ang phone ko para tawagan si Brett. idadial ko pa lang ang number niya nang mamataan kong nakaupo siya sa isang bench sa may gitna. Naglakad ako papunta sakanya. Nakita niya akong papalapit at tumayo siya at ngumiti.

"Chlea, uhm. Hi! Its nice to see you."

"Hi! Uhm..Brett, ito na yung copy ng report natin. Yung extrang links na kailangan mo nasa last page. Yung iba kasi nakuha ko galing sa libro pero nasa last page rin nakalagay kung saang libro ko nakuha. Kumpleto na yan lahat babasahin mo nalang para maexplain mo."

"Wow, sobrang salamat Chlea! May gagawin ka pa ba? Pwede ba kita mayaya to go grab some coffee or are you hungry? we can eat kahit sandali lang. Consider it as a Thank you for helping me with all of this."

"Thanks for the offer Brett pero I really have to go."

"Please? sobrang sandali lang tayo. I just really wanna make it up to you."

Hinawakan ni Brett ang kamay ko at hinila ako papunta sa isang restaurant sa kabilang dulo ng Commons. Ayos lang sakin kumain ng pagkain ng tao since natutunan ko na yun sa mga kaibigan ko dati sa states. Syempre kinailangan ko mag "blend in" para iwasan maghinala ang mga tao.

Umupo kami sa pinaka gilid ng restaurant at nag order si Brett. Tinitignan ko lang siya habang nagsasalita siya at kausap niya ang waiter. Yung mga mata niyang kulay brown na unang una kong napansin nung gabi ng pag atake. Ang ganda talaga ng mga mata niya. Medyo makapal ang kanyang kilay at may dimple na lumilitaw kapag napapa ngiti siya.

"Chlea?"

Yung mga labi niya. Mukhang malambot at mapula.

"Chlea? Okay ka lang?"

Hindi ko napansin na sobrang obvious na pala yung pagtitig ko sakanya.

"Ha? ah, oo! May iniisip lang ako. Uhm..Naappreciate ko yung pag libre mo sakin ngayon pero Brett, kailangan ko na talagang umalis eh." sagot ko.

"Ganun ba? Sige, after nito, hatid nalang kita sainyo."

"Ah hindi na. Okay lang ako kaya ko umuwi mag isa."

"Sigurado ka? I can give you a ride para hindi ka na maglakad pauwi?"

Hindi ko napansin ang sagot niya dahil may iba akong naramdaman. Binuksan ko ang Hybrid vision ko at nakitang mag 3 Bampirang nagmamasid masid sa may labas ng restaurant. Ang mga Energy levels nila pula.

Shit! Mga Creature Hunters!

My Girlfriend is a Hybrid (My first ever tagalog story!) *Ongoing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon