"Anong problema? ba't moko hinila dito sa restroom?" Tanong ni Chlea
"Hindi! uhm, nahihiya ako sabihin kanina sayo pero naguluhan ako sa naramdaman ko! biglang uminit yung mukha ko tapos pagtingin ko sa reflection ko sa bintana, namumula ako. Bakit ganun?"
Tinignan ako ni Chlea at ngumiti ito.
"Type mo si Ashton noh? you like him don't you?" asar nito.
"I don't know! basta para akong nagpalpitate nung nakita ko siya!"
"OMG! its confirmed! May thing ka for him!"
"Ha? anong, thing? anong sinasabi mo?" tanong ko.
"Seryoso ka ba? Never ka pang nagkagusto sa kahit sino?"
Grabe naman makataas ng kilay tong si Chlea!
"Uhm, kinda.....medyo...Fine! Oo! now lang!"
This time yung ngiti ni Chlea abot tenga na. Ano ba naman tong babaeng to? May gusto na ngang kumidnap sakanya at gamitin siya para maubos ang lahi ng mga lobo at bampira nagagawa pa niyang matuwa at mang asar! Am I missing something??
"Ano ka ba! normal lang yan! Alam mo naman kung pano natin mahahanap ang mga magiging kabiyak natin diba? Sa first kiss mo malalaman!" ani ni Chlea.
"Ha? anong first kiss pinagsasasabi mo? Uy inutusan akong bantayan ka! Hindi hanapin yung love of my life kaya please! pwede itigil na natin tong kalokohang to? First kiss, first kiss..adik ka ba?"
"Ako adik? eh ikaw tong nagyayang magtago sa banyo! Wag na tayong pumasok. Tutal nagsimula na yung klase pagagalitan lang tayo ng teacher. Dun nalang tayo sa garden tapos dun ko ieexplain sayo lahat."
"Mag cucut tayo ng klase? Hindi ba tayo pagagalitan?"
"Hindi naman nila malalaman eh! tara na!"
Pasaway talaga tong babaeng to kahit kailan!
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Hybrid (My first ever tagalog story!) *Ongoing*
RomanceAko si Chlea. Hindi ako pangkaraniwan na nilalang, isa akong Hybrid. Ang nag iisa sa buong ankan ng mga Lobo at Bampira. Dugo ng Lobo at Bampira ang dumadaloy sa aking mga ugat. Namana ko ang lakas ng aking mga magulang at wala sa kanilang mga kahin...