"Shit, Brett! ano tong pinasok natin?! WTF is happening!?The last thing I recall nasa labas tayo kanina tapos in a blink of an eye nakatayo na tayo sa loob ng bahay sa harapan nila Claire at Chlea!" Ani ni Ashton
"Bro, hindi ko alam! Sobrang hindi ako makapag isip! Nahihirapan akong iprocess kung anong mga nangyayari ngayon"
Kanina lang naririnig ko pa si Chlea at si Claire nag uusap sa labas. Ngayon wala na akong naririnig na kahit anong ingay.
"Brett, we can't stay here! Kailangan na natin umalis dito!"
"Didn't you hear what Chlea said? Sabi niya we have to wait for her. Hindi natin alam ang nangyayari sa labas!"
"Pare ngayon ka pa ba magiging masunurin? exactly! hindi natin alam ang nangyayari sa labas! Sa tingin mo being trapped in this small storage room would help us? Pare we're trapped in here! We can't stay here we need to get out!"
May point si Ashton. Helpless kaming dalawa dito if we stay here.
"Oh sige sige! mag antay tayo mga 5 minutes. Just to make sure the coast is clear then let's get out of here."
Naghanap kami ni Ashton ng pwede naming gamitin pang laban sa kung ano man ang meron sa labas. Wala kaming mahanap kundi isang frying pan at Walis at Dustpan.
Pinakiramdaman muna namin ang paligid bago kami tuluyan lumabas ng storage room. Walang tao. No sign of Chlea or Claire. Kahit yung lalaking nagbitbit samin papasok kanina wala din. Madilim at tahimik ang buong paligid.
"Brett! Let's get the hell out of here!"
Hinawakan ko ang braso ni Ashton para pigilan siya.
"Something's not right. Naririnig mo ba yun?" tanong ko kay Ash.
"I can't here anything!"
"Exactly! Masyadong tahimik. Kanina may mga kumakalampag sa likod ng bahay pati sa taas. Narinig ko sabi ni Claire kanina, may mga nakapasok na daw. Pare, masyadong sketchy yung katahimikan. Hindi to tama."
"What the hell are you talking about?? Chance na natin to para makatakas! There's the front door! Halika na!"
Hinila ni Ash ang braso ko nang biglang may humarang sa harapan namin. Isang lalaking hindi ko namumukhaan. Pula ang mga mata nito at naglalaway habang tinititigan kaming dalawa at..Oh my god may dalawang mahabang pangil na kitang kitang nakausli nang dilaan niya ang mga labi niya na parang nakatitig ito sa dalawang malaking lechon.
Parang nakasemento ang paa namin ni Ashton sa sahig. Hindi kami makagalaw! Binuksan nito ang bibig nito at nagsalita.
"Dalawang, malulusog na binata! Batang bata!"
Inamoy amoy niya ang paligid at dinagdag
"Ang babaho niyo pero mukhang masarap ang mga dugo ninyong dalawa!"
"Anong mabaho?! Hindi ba uso sayo ang Moschino!" Sigaw ni Ashton
"Ashton! Baliw ka ba!? ngayon ka pa nag endorse ng kayamanan mo! nakikita mo ba itsura niyan? Hindi mo ba narinig na gusto niya yung dugo natin!?" bulong ko kay Ash
"Ano yun? dugo ba yun? ha? yun ba nagpapasarap ng dugo? hahahaha!" ani ng lalaki.
"Ha? hindi, sakit yun! Moschino...Uhh..Eudetoiletisiasis! Nakamamatay na sakit sa dugo. kaya mabaho kami kase pareho kaming may sakit sa dugo!" sagot ko sakanya.
napaisip ang lalaki.
"hmm..nakatikim nako ng may Cancer. Wala namang naging masamang epekto sakin kaya pwede na kayo!"
Nagsimula ng lumapit ang lalaki papunta saamin ng biglang humagis ang buong katawan nito sa gilid ng lababo.
Si Chlea!
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Hybrid (My first ever tagalog story!) *Ongoing*
Storie d'amoreAko si Chlea. Hindi ako pangkaraniwan na nilalang, isa akong Hybrid. Ang nag iisa sa buong ankan ng mga Lobo at Bampira. Dugo ng Lobo at Bampira ang dumadaloy sa aking mga ugat. Namana ko ang lakas ng aking mga magulang at wala sa kanilang mga kahin...