*****

5.4K 67 10
                                    

Isinara ko ang bintana at tumakbo pababa. Nahanap ko si Claire at si Hunter sa kusina  na may bitbit na bloodbags.

"May mga Creature Hunters sa labas ng bahay!"

"Ha? pano mo nalaman?" tanong ni Claire.

"Nung sinara ko yung bintana naramdaman ko sila. Nakita ko din ang energy levels nila. Mga kulay pula, Ibigsabihin may mga bahid na ng dugo ng tao."

"Madami ba sila, Chlea? Nasan si Jonas?" tanong ni Hunter.

"Mga 6 ang nakita kong nagtatago sa dilim. Nasa Council si Jonas, umalis bago ka dumating. Tatawagan ko nalang siya."

Nilabas ko ang cellphone ko at tinawagan si Jonas.

Tsk! Ano ba naman siya!

Sa lahat ba naman ng oras na napili niyang hindi sumagot ng cellphone, ngayon pa! Hassle!

Ugh! fine! text nalang! Sana mabasa niya agad.

"Chlea, dito ka lang. Kami na bahala ni Hunter sa mga uninvited guests nayan." ani ni Claire

Sumang ayon si Hunter sa planong iyon.

"She's right, Chlea! Ikaw ang gusto nila. Kailangan ka namin protektahan."

"Ha? No chance in hell! Hindi ako magtatago na parang bata!" protesta ko.

Ano ako? baldado? At sa tingin nila okay lang sakin pag may nangyari sakanilang masama? Siraulo din tong magkaibigan na to eh! proprotesta pa sana si Claire nang may narinig kami galing sa labas.

"Tao po?"

Nagtinginan kaming tatlo. Sino yun? Anak naman ng! Bad timing naman tong taong to kung sino man siya!

Ginamit ni Hunter ang bilis bampira niya at nag glide patungo sa may sala. Tumigil ito sa gilid at unti unting sumilip sa labas.

"Chlea, sundan mo si Hunter! Ako na bahala sa mga ilaw." ani ni Claire.

Nag glide na si Claire paalis at ako naman ay nag glide patungo sa sala. Wala pang 10 sigundo patay na lahat ng ilaw sa buong bahay at nakabalik na si Claire.

"Bilis mo ah!" sabi ko.

"Siyempre! Ako pinaka mabilis mag glide saming lahat sa camp. Tinutukan ko talaga ang bilis bampira ko nung bata pako."

"Guys, seryoso kayo magkkwentuhan pa kayo ng childhood achievements niyo diyan? May dalawang mortal na tao sa labas." pabulong na sinabi ni Hunter.

Nagtinginan kami ni Chlea. Unti unti akong gumapang papunta sa bintana.

Shit! Si Brett at si Ash! Hindi nila alam na mapapahamak sila sa kinatatayuan nila!

Sumunod si Claire sa likuran ko at nagulat din siya sa nakita niya.

"Do you know them?" Tanong ni Hunter.

"Si Brett and Ash." sagot ko.

"Ah, so sino sakanila yung Ashton?"

"Tsaka ka na magselos, Hunter! Isipin muna natin paano natin sila maaalis diyan sa kinatatayuan nila!"

"Ako na bahala." Sagot ni Hunter.

Bigla itong nag glide palabas at ibinitbit ang dalawa papasok ng bahay. With in 5 seconds, nasa harapan na namin ang dalawa.

"There. Now pwede na natin silang gawing peace offering sa mga halimaw sa labas!" Ani niya.

Pinalo ni Claire sa balikat si Hunter. "Wag mong takutin!" bulong nito.

"WTF was that?! Pano mo nagawa yun?!" Gulat na tanong ni Brett.

Bago ko pa siya masagot, nakarinig kami ng ingay galing sa taas.

"Nakapasok na sila, Chlea!" sabi ni Claire.

Hinila ko si Brett at Ashton papunta sa Storage room sa kusina.

Nagbukas ako ng Tomato sauce at ibinuhos ito sakanila.

Ayan. At least hindi na sila masyadong amoy tao. Mahihirapan na silang maamoy ng mga Creature Hunters.

"Chlea seryoso ka ba!? Naka Armani ako!" reklamo ni Ash.

"So mas gusto mong mamatay kang naka Armani? Ganon?! Wag kayong maingay at wag kayong lalabas dito! Antayin niyo kong bumalik!"

Isinara ko na ang pinto bago pa sila makatanong.

"Chlea!"

Lumingon ako at nakita si Claire sa may pintuan.

"Sampu na silang nakapalibot sa bahay!"

My Girlfriend is a Hybrid (My first ever tagalog story!) *Ongoing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon