Sabay sabay kaming nag breakfast nila Brett at Jonas.
Sa saglit na oras na iyon, wala kaming pinagusapan kundi ang mga nakakatawang memories. Kwento ng kwento si Jonas about my childhood. Ito namang si Brett, walang ginawa kundi tumawa ng tumawa. Naisip ko tuloy kung, magkakaroon pa kami ng chance to make new ones after tonight.
We'll we ever get the chance to see the sun rise tomorrow?
Haaay.. Sa sandaling iyon, para kaming walang problema. Para lang kaming isang masayang pamilya.
Ngayon, ito nanaman kami nasa training grounds na kaagad. si Hunter at Claire busy sa briefing ng plano sa sarisarili nilang grupo. Si Jonas at Magnus nasa Council meeting para madiscuss ang plan of attack para mamaya.
Napatingin ako kay Brett na nagmamasid sa paligid. Tinitignan niya lang ang mga Lobo at Vamps na nagttraining.
Mukhang aliw na aliw siya sa mga nakikita niya, parang batang nanunuod ng cartoons.
Lumapit ako at umupo sa tabi niya.
"Uy, Chlea!"
"Mukhang aliw na aliw ka ah?"
"Sobra! Pano sila nakakagalaw ng ganoon kabilis? Solid! Parang ninja lang!" nakangiti niyang sinabi.
"Pag glide ang tawag diyan para sa mga Vampire. Sa mga lobo naman, pacing."
"Nakaka amaze! yun pala ang tawag dun! Siguro kung ganyan ako kabilis? Every year, V.I.P ako sa basketball!"
Natawa ako sa sinabi ni Brett. Bigla akong may naisip na idea.
"Hmm, I wanna show you something! Tara, come with me!"
Niyaya ko si Brett sa kabilang covered court. Usually, training grounds to ng mga leaders na katulad namin nila Claire at Hunter, pero ngayon since busy ang lahat, solo namin ni Brett ang lugar.
"What are we doing here?" tanong niya
"You'll see!"
Inabutan ko siya ng isang metal ring.
"I want you to stand there in the middle. Pretend like this is a basketball game! Defense ako, Offense ka. kailangan mong mabalik sa pagkasabit yan cause I'm gonna try to steal it from you."
Tinuro ko sakanya ang isang hook na nakalambitin galing sa dingding na pinagmulan ng Metal ring.
"Ha? Not fair! Bilis mo kaya!" reklamo nito.
"I've seen you play! And for a mortal, kakaiba ang galaw mo! You're very swift and magaling ka umiwas sa mga nakaharang sayo. I just wanna see you go against a super natural!"
Nakita ko ang pag aalangan sa mukha ni Brett.
"Tss. Sige, fine! I understand if you're scared of losing to a girl! Wala namang tao kaya I promise to keep it a secret!!" dagdag ko.
"Sus! Watch and learn!"
Nagsimula na siyang gumalaw. Umatras siya para makabwelo ng pagtakbo niya. Inabangan ko siyang umatake para macounter ko ang mga moves niya.
"You ready to lose?" sigaw nito
"Nice joke! Now, shut up and let's do this!"
Niready ko ang sarili ko. Tumayo ako sa ilalim ng hook at nakitang papalapit na si Brett.
Inantay ko siyang makarating sa panglimang linya na naka marka sa sahig bago ako nag glide sa pangalawa.
Pagdating niya sa pang apat biglang nag zigzag ang takbo nito. Inabangan ko siyang makarating sa kanan para harangan siya bago ako nag glide patungo doon. Naka ready nakong kunin ang Metal ring pero nagulat ako nang biglang hinarang ni Brett ang kanang paa niya sa kinatatayuan ko at nag 180 degree turn. Bago ko pa malaman, nakalagpas na siya sakin.
Nag glide ako papunta sakanya at naabot ko ang metal ring. Hinila niya ito pataas at siniksik paikot ang katawan sa ilalim ng nag aagawan naming mga kamay sa aming gitna.
Nabitawan ko ang metal ring at nagisip ng ibang idea. Nakita ko bigla yung metal plates ng barbel na naka patong sa ibabaw ng lamesa. Nag glide ako patungo sa kinalalagyan ng mga ito then I started tossing them straight towards Brett.
"Chlea! What the Ffffff!?"
"Isipin mo nalang, Freesbee yan! Iwasan mo!"
Napaliko si Brett para maiwasan ang metal plate.
Obvious na nag sstruggle siya sa kakaiwas pero nonetheless, naiiwasan niya lahat ng binabato ko. Hindi ko naman hahayaang matamaan siya nito dahil for sure, papagalitan ako ni Jonas pag nabukulan ko si Brett. Worst pag nabasag ko yung ngipin niya pero ayokong mapagalitan kaya calculated lahat ng tapon ko paibaba.
"Jesus Christ!" sigaw nito
"Nope, it's still me. HEADS UP!" pabiro kong sagot sabay bato ng metal plate.
Hawak ko na ang last na metal plate at inabangang makalagpas si Brett sa pinaka huling linya.
Binato ko ang metal plate at tumalon ng mataas si Brett.
"Whoah!" Nanlaki ang mata ko sa taas ng talon niya.
sobrang bilis ng takbo niya papunta sa goal at nag glide ako para mapigilan siya.
Nag kaabot kami sa tapat ng hook. Bago ko pa siya mapigilan, isang mataas na talon ang ginawa niya at successful siyang masabit ang metal ring sa hook nito.
Binitawan niya ang metal ring pero bigla siyang na out of balance pag lapag niya. Napakapit siya sakin at sabay kaming napatumba sa sahig.
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Hybrid (My first ever tagalog story!) *Ongoing*
Storie d'amoreAko si Chlea. Hindi ako pangkaraniwan na nilalang, isa akong Hybrid. Ang nag iisa sa buong ankan ng mga Lobo at Bampira. Dugo ng Lobo at Bampira ang dumadaloy sa aking mga ugat. Namana ko ang lakas ng aking mga magulang at wala sa kanilang mga kahin...