- Brett -
Haay! ayoko na mag memorize ng periodic table! Sunog na sunog na yung kilay ko sa kakaulit.
Kung di ko lang kailangan ipasa tong subject nato para hindi makick out sa team, kanina pako nasa court nag lalaro ng Basketball. Instead, I have to memorize all of this to pull my grades up. Dumadagdag pa si Carmela, ang psycho ex ko! 28 missed calls??? What part of "Break na tayo, its Over!" can't she understand?!
Umiiral nanaman pagka baliw niya.
Ahhh!!! Hassle to! Matawagan nga si Ash. Baka nag lalaro yun with the team sa court.
"Hello, Ash?"
"Brett? Yo Pare! What's up? Ba't wala ka dito sa court?"
" Chemistry, bro! dinudugo na utak ko dito! Ayaw pako tantanan ni Carmela!"
"Hahaha! Sabi ko sayo I've always noticed something off about her eh! Eh hindi ka nakining. Ayan tuloy!"
"Grabe, Sa tingin mo maaappreciate ko pa yang warning mo ngayon? Kailangan ko ng break! Be there in 10 minutes!"
"Sige, bro! Antayin ka namin!"
Pumasok ako ng banyo para mag shower. I got my gear, water and car keys, at tumungo palabas ng kwarto.
"Sir, San po ang punta niyo?" Tanong ni Manang Sita.
Si Manang Sita ang pinaka matagal na naming kasambahay. Halos siya na ang nagpalaki sakin dahil laging busy ang magulang ko sa trabaho.
"Nang, alis lang ako. Pakisabi nalang kanila mommy maglalaro lang ako ng basketball."
"Sir, Wala po sila ang Mommy at Daddy ninyo, lumipad papuntang California kahapon pa. Sa Isang linggo pa po ang balik."
"Ah Ganun ba? Sige Nang, hindi naman ako magpapagabi tsaka dala ko susi ko ng bahay kaya hindi mo nako kailangan antayin. Pahinga na kayo."
"Oh sige sir! Tawag nalang po kayo pag may kailangan pa po kayo."
"Sige Nang, Salamat!"
Haaay what's new? Hindi ko na talaga nararamdaman yung magulang ko. Bata palang ako sanay nakong wala sila. Mas sanay pako na wala sila dito sa bahay kesa sa andito sila pareho. Ni isang school affair, graduation or family day sa school wala silang napuntahan. Si Manang Sita lang lagi kong kasama. Madalas kong iniisip na sana tunay na anak nalang ako ni Manang Sita. Sa tagal ng pag aalaga niya sakin, kahit kailan hindi niya ko pinabayaan.
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Hybrid (My first ever tagalog story!) *Ongoing*
RomanceAko si Chlea. Hindi ako pangkaraniwan na nilalang, isa akong Hybrid. Ang nag iisa sa buong ankan ng mga Lobo at Bampira. Dugo ng Lobo at Bampira ang dumadaloy sa aking mga ugat. Namana ko ang lakas ng aking mga magulang at wala sa kanilang mga kahin...