Chlea

6.6K 86 4
                                    

" What the hell is she doing here?!"

Anong tingin sakin ni Jonas? ALAGAIN?!

"Chlea, Andito siya dahil kailangan mo ng tagabantay. Hindi ko inuunderestimate ang kakayahan mo. Pero gusto ko lang siguraduhin na hindi ka mag iisa." sagot ni Jonas.

"Hindi ako mag iisa? Wow Jonas! Sa lahat lahat ng pinili mo, siya pa? eh baka wala pang isang araw mag kalmutan na kami eh! I don't need a bodyguard! I don't need anybody! I can take care of myself and I've been doing so for the past 16 years!"

"Chlea my decision is final! Dito na titira si Claire, papasok siya sa school mo at siya ang tagabantay mo habang busy kami ng council sa paghahanap kay Gardo at sa mga nawawalang Bampira at Lobo."

"Busy ka na sa paghahanap ng isang Psycho Vampire, busy ka pa sa paninira ng buhay ko! UGH!"

"You don't have a choice."

Nakakainis si Jonas! Anong feeling niya? BFF kami ni Claire? Bakit hindi nalang si Hunter ang pinili niya nang natuwa pako at hindi ang impokritang babaeng yun? Badtrip talaga!

"Chlea umalis ka na at baka malate pa kayo ni Claire sa school. Naghihintay na siya sa sasakyan. And please, try to be nice okay?"

"Nice? meaning I'll try to keep myself from ripping her to shreds? I can't promise but I'm sure its gonna be the end result sa kalokohang mong to!"

Tumalikod nako at naglakad na papunta sa sasakyan. Pag bukas ko ng pinto, nakaupo si Claire sa likuran. Sa harapan ako uupo at tatabihan ko nalang ang driver. There's no way tatabi ako sa babaeng yun.

Sumakay ako sa harapan at lumingon sakanya. Uunahan ko na siya magsalita baka kung ano pang sabihin nitong babaeng to.

"Rule 1. You don't talk to me!

Rule 2. You stay the hell away from me!

Rule 3. Pag nilabag mo ang Rule 1 and Rule 2, Babaliin ko mga binti mo and I will smack you so hard, your next period's coming out of your nose! Got it!?"

Nakatingin lang siya sakin. Wala man lang kahit anong comeback line o galit sa kanyang mga mata.

"Anong tinitingin tingin mo? ngayon ka pa nagmabait?"

"Chlea sa tingin mo gusto ko to? Pumayag lang ako dahil sinabi ni Jonas na papapasukin niya ko sa school. Kaya kung ano mang problema at insecurity mo sa katawan, please lang? wag ka na mangdamay."

Ano tong pinagsasasabi nitong babaeng to? Eh may edukasyon naman sila sa Camp ah?

"So wait, what are you saying? na you've never been to an actual school?" tinignan niya lang ako.

Kawawa naman to. Samantalang ako sawang sawa na.

"Kinakabahan ka ba?" tanong ko.

"Medyo. Hindi ako sanay sa mga tao since sa camp nako lumaki. Maganda ang edukasyon namin dun at magagaling ang teachers. Pero iba parin siguro yung school."

"Ah. Believe me, its not all that. Wag ka lang magpapabully. Wag ka din mang aaway. Big deal sakanila ang mapunta sa guidance office at mapatawag ang magulang kaya umiwas ka sa gulo."

"Eh pano kung wala nang magulang?" tanong niya.

Ohmygod. Hindi ko ineexpect yung sagot na yun. Parang ako pala siya, wala nang magulang. Pero nandiyan si Jonas para sakin. Sino kayang nag aalaga sakanya?

"Umiwas ka nalang sa gulo. Mababait naman yung ibang mga tao."

Pinipigilan ko yung sarili kong dumagdag pa.....

Ugh sige na nga!

"Sige, samahan kita magregister and sabay na tayo pumasok."

Ngumiti siya sakin.

Aba! mabait din naman pala to eh. Medyo adik lang pag nasa camp pero gaya ng sabi ni Hunter, mabait nga siya. Pero I can't trust her just yet! baka kung ano pinaplano nitong babaeng to.

My Girlfriend is a Hybrid (My first ever tagalog story!) *Ongoing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon