*****

4.2K 59 11
                                    

Hinarang ni Claire ang kaniyang kamay at ito ang nasaksak ng silver stake. Buong lakas ang gamit ni Claire sa pagpigil ng Silver stake sa pagbaon sa kaniyang dibdib at kamay niya ang kapalit nito.

Nag glide ako papunta sa likuran ng Bampirang may hawak kay Claire at ibinaon ko sa gilid ng leeg nito ang silver stake sa aking kamay. Nabitawan niya si Claire at bumagsak ang creature hunter sa sahig. Galit ang naramramdaman ko sa nasaksihan kong nangyari kay Claire at tuluyang ibinaon sa dibdib ng Creature Hunter ang silver stake hanggang sa naging abo ito.

Dali dali akong lumuhod sa tabi ni Claire

"Claire! Ayos ka lang ba? ang kamay mo! kailangan mo nang umalis dito!"

"Jonas, salamat!"sagot nito

Nanlaki ang kaniyang mga mata at sabay sinabing

"Si Chlea! kinuha nila si Chlea!"

Napalitan ang aking galit ng balot ng takot. Nangyari na ang pinaka iniiwasan naming lahat!

"Doon! Doon sila naghabulan"

lumingon ako sa direksyon na tinuturo ni Claire at naaninag ko gamit ang vampire vision ang imahe ni Chlea.  Hindi ito kalayuan at base sa mga galaw niya ay nakikipag laban ito.

Hiniga ko si Claire sa paanan ng puno at lumingon pabalik sa nakikipaglaban na si Hunter. Laking gulat ko nang biglang may 3 katawan ng Creature Hunters ang bumagsak galing sa ere at naging abo ang mga ito. Napalingon ako sa tunog ng makapangyarihang pakpak at nakita si Hunter na balot na balot sa abo. Nakalabas ang mga pangil nito at hingal na hingal sa pakikipag laban.

"Hunter?" ani ni Claire

Napalingon siya sa pag tawag ni Claire at biglaang bumalik sa katinuan si Hunter at muling itinago ang mga pakpak nito. Nag glide siya papunta sa Tabi ni Claire at niyakap ito ng mahigpit.

"Claire, I'm sorry! I just snapped and I thought you were dead and I.. I couldn't help you!"

Nanginginig ang boses ni Hunter at nabubuo ang Luha sa kaniyang mga mata.

"No, Hunter. I'm okay. I'll be okay." Ngiting sagot ni Claire.

"Go! Go help Chlea! Naririnig ko parin siya. I'll glide back para hanapin si Brett!" dagdag nito

"ANONG BRETT!?" gulat kong tanong

"Long story! Go to Chlea! NOW!"

Tumayo si Claire at nag glide pabalik sa Camp. Nagkatinginan kami ni Hunter.

"If Chlea survives this, She's all yours." ani ni Hunter sabay glide patungo sa kinaroroonan ni Chlea.

Sinasabi ko na nga bang kalokohan nanaman to ni Chlea!

Kakaunti nalang talaga at itatali ko na ang batang iyon !!!!!

My Girlfriend is a Hybrid (My first ever tagalog story!) *Ongoing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon