*****

4.5K 69 3
                                    

Sabay kaming naglakad ni Chlea palabas ng restaurant.

Nagpasalamat siya at nagmadali nang umalis. Sa bilis niya maglakad nawala agad siya sa paningin ko.

Tumalikod nako at tumungo pabalik sa sasakyan. Inilabas ko ang cellphone ko at nakitang may message galing kay Carmela. Hindi nako nag aksaya ng panahon na basahin pa iyon. Malamang reklamo nanaman yun tungkol sa isang walang katuturan na bagay.

Hinanap ko ang number ni Ash at tinawagan siya.

"Yo! So, Brett?Anyare sa meet up mo with Chlea?"

"Negative, bro eh!"

"Hindi siya sumipot? Pano na yung report mo?"

"No, sumipot siya. Nasakin na yung report kaso, sinubukan ko siyang yayain kumain sa labas pero nagmadali umalis eh!"

"Ah. So negative yung plano mong idate siya dahil malaki atraso mo sakanya? ganon ba yun?" tanong ni Ash

"Hindi, I mean, yinaya ko siya cause I wanted to know her better. Feeling ko matagal ko na siyang kilala kaso parang isang malaking puzzle kung paano kung sakasakali!"

"Ahh...well you..."

Out of nowhere may biglang tumulak sakin papasok sa isang dead end hallway sa gitna ng mga restaurant. Walang nakapansin dahil sa bilis ng pangyayari.  Tinakpan nito ang bibig ko at napatitig ako sa kung sino ang tumulak sakin.

"Ch..Chlea? Anong.."

 "Shhhhh!" bulong niya at inalis ang kamay niya sa pagkakaharang sa aking bibig. Ibinalik niya ang tingin niya sa labas at nagmasidmasid.

"Chlea What the Fu.."

Ipinatong niya uli ang kamay niya sa aking bibig.

"Brett, you're in danger. You have to trust me please!" bulong niya

"What? anong sinasabi mo?" gulat kong tanong

"Please! Mamaya ka na magtanong. But right now, you need to come with me.  Akala ko, ako ang habol nila. Until I found out na ikaw ang sinundan nila. I'm asking you to please trust me!"

"What?! Who's they?! What do they want from me!?"

"Ugh...makulit ka? Maikli ang pasensya ko okay? Nakikita mo ba yung mga nakaitim na jacket sa labas? Well, they wanna kill you or? better yet, ubusin ang dugo mo sa katawan but WHO KNOWS!? Yun nga  ang iniiwasan nating malaman tanong ka pa ng tanong just please do as I say!"

"Chlea anong..."

Bigla niya kong hinawakan sa leeg at inangat sa ere. Malaki akong tao! Imposibleng mabuhat niya ko and my feet aren't touching the ground anymore!

"I can hang you upside down if you don't shut up, Brett!"

Sa takot ko pumayag nako sa sinasabi niya. Soooooobrang hindi ko alam ang paniniwalaan ko.

She sounds so psycho right now pero sumama nako sakanya. Naglakad kami palabas at sumingit sa crowd ng madaming madaming tao. Hindi ko pinahalata pero habang naglalakad kami unti unti kong napansin na sinusundan nga kami nung mga taong nakaitim. Hindi ko alam kung anong gusto nila sakin pero kung totoo ang sinasabi ni Chlea, wala akong choice but to trust her!

Let's just hope she's not one of them!

My Girlfriend is a Hybrid (My first ever tagalog story!) *Ongoing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon