Nag iwan ng kayamanan ang magulang ni Chlea pero ang buhay namin sa states ay simple lang. Hindi ko ginalaw ang iniwan nila Rodan at Amanda dahil gusto kong si Chlea ang matuto kung pano ihandle ang responsibilidad nato.
Sa bawat lugar na nililipatan namin ay nakakapag bukas kami ng maliit na business. Hindi normal doon ang walang trabaho at para maiwasan nadin ang mga suspisyon mula sa ibang tao.
Pagsarado na ang business, nag ttrain na si Chlea. I started training her at 8 vamp years dahil sa edad niyang iyon ay ilang pinto na ang nasisira niya pag hindi siya nag iingat sa paghila. Kakaiba talaga ang lakas niya! And by the time Chlea turned 16, she was unstoppable.
Nung araw na natanggap ko ang tawag mula sa mga Council members ay nasa gitna kami ng isang discussionan ni Chlea. Hindi ko pinayagan pumunta sa party dahil sa tagal ng ibinuhay kong kasama siya, aware ako na madaming lalaking humihingi ng atensyon niya. Malaki ang pasasalamat ko dahil hindi ko na siya kailangan pangaralan tungkol dito dahil hindi naman siya nag papakita ng interes.
May tiwala ako kay Chlea, pero pagdating ng tiwala ko sa ibang tao, ibang usapan na yon.Haaay.. Masaya maalala ang mga memories na ganto. Pero dumating na ang araw na kinakatakutan ko para kay Chlea.
Ang mga batang ito, they deserve better than this!
Si Chlea, Hunter, Claire at Brett ay masyado pang bata para mamroblema ng ganito kabigat. Sila ang nagpasan ng mga problemang dapat ay amin lang. Si Brett? ngayon ay nasa gitna ng isang malaking gulo. Matalinong bata, tamad lang. Pero hindi padin dapat siya nakasama dito.
Nagtungo ako sa kwarto ni Chlea pero wala siya.
Nasan nanaman kaya ang batang iyon?
Chneck ko si Brett sa kwarto niya. Naabutan ko siyang nakaupo at malayo ang tingin sa labas ng bintana.
"Ayos ka lang ba, Brett?" tanong ko
"Opo, sir. Ayos lang po. Nagising ba kita?"
"Ah, hindi naman. Nagising talaga ako ng maaga dahil madami pang kailangan ihanda para.."
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil napansin kong nag iba ang itsura ni Brett.
"Uh, Brett? wag ka mag alala. We'll make sure you get back to your family safely. Your parents must be so worried about you by now."
Tumingin siya sakin at ngumiti.
"Actually sir, believe it or not mas ramdam ko pa na may pakealam kayo nila Chlea sakin kesa sa sarili kong magulang. I never really grew up with my parents around dahil lagi silang nasa business trip. Feeling ko nga pag may nangyari sakin mamaya, malalaman lang nila siguro pag naalala nilang may anak pala sila."
Hindi ko alam ang masasabi ko para mapagaan ang loob ng batang ito. Mahirap mawalan ng magulang ng napaka bata pa katulad ni Chlea. Pero si Brett, may magulang nga siya pero parang wala nadin.
Chlea had me to be with her. Sino kaya ang mayroon si Brett?
"I appreciate it sir, pero you don't have to worry about me. Okay lang po ako."
Ngumiti siya sakin. Ngumiti ako pabalik at biglang naalala si Chlea.
"Brett, by the way, napansin mo ba si Chlea?
"She said magreresearch pa daw siya sa library. Baka nandun pa siya til now?"
"Ah, oh sige I'll go check sa library. Nagluto nako ng breakfast sa kitchen para sainyo tatawagin ko lang siya para sabay sabay na tayong kumain, okay lang ba yun?" ipinatong ko ang aking kamay sa kaniyang balikat at ngumiti
"Yes, sir. Okay na okay po iyon, thank you."
Masaya ako dahil napagaan ko ang loob niya. Nagpaalam akong sunduin si Chlea para makakain na kami.
Hindi sinasagot ni Chlea ang phone niya kaya binilisan ko ang pagpunta sa library.
Nakita ko siyang tulog in the middle of a pile of books. Walang tigil sa pag research about sa pagiging skyrem niya.
Pinagmasdan ko siya saglit. Haay, parang kailan lang nung una ko siyang dinala sa states. Baby pa siya at hindi iyakin. And today? she's leading the fight for all of us.
Grabe, she's all grown up!
Napalingon ako sa portrait ni Amanda at Rodan sa gilid. Alam kong gagabayan siya ng kaniyang mga magulang sa digmaang ito. Binigyan siya ng blessing ng Madea galing sa kaniyang magulang and all along, alam kong her parents are always with her.
"Jonas?"
Napabalik ang tingin ko kay Chlea.
"Hindi ka pa ba nagpapahinga?" tanong ko.
"Nakatulog naman ako ng sandali pero wala padin akong mahanap about Skyrems. Buong gabi ako naghanap pero wala parin eh."
"Humingi tayo ng tulong kay Handrel mamaya. Baka sakaling may mahanap siyang libro na makakatulong satin."
"Okay, Thank you Jonas.."
"Walang ano man, Chlea. Alam mo namang tutulungan kita makahanap ng impormasyon sa pagiging skyrem mo. Halika na at inaantay na tayo ni Brett sa quarters. Sabayan na natin siyang mag breakfast."
"Burger?" pabiro nitong tanong
Ngumiti ako sakanya.
"Jonas, uhm, what I meant was thank you for everything. Thank you for always being there for me. I know na ikaw ang elder guardian ko. Pero malaki ang pasasalamat ko kela Mom and Dad dahil ikaw ang napili nila.. And I couldnt've asked for anyone better. So..Thank you, for being both my Mom and Dad to me. You've done a great job. I love you, Old man!"
Niyakap ko ng mahigpit si Chlea. Malaki din ang pasasalamat ko dahil ako ang napili ng magulang niya para bantayan siya. Nasaksihan ko siyang lumaki and she grew up to be just like her parents. Mabuti ang puso at napaka tapang. Nararamdaman ko ang takot niya sa haharapin namin mamaya. Pero sisiguraduhin kong proprotektahan ko si Chlea hanggang sa kamatayan ko.
Napahinga ako ng malalim. Kahit anong mangyari, aalalahanin ko itong moment na to. I gave her a kiss on the forehead just like how I used to when I put her to bed nung bata pa siya.
"I love you too, kid! and I'm very proud of you... We're all very proud of you."
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Hybrid (My first ever tagalog story!) *Ongoing*
RomanceAko si Chlea. Hindi ako pangkaraniwan na nilalang, isa akong Hybrid. Ang nag iisa sa buong ankan ng mga Lobo at Bampira. Dugo ng Lobo at Bampira ang dumadaloy sa aking mga ugat. Namana ko ang lakas ng aking mga magulang at wala sa kanilang mga kahin...