Sa aking pagmulat ng mata ay natanaw ko ang isang madilim na lugar na kala mo ako ay nasa kalawakan. Nagulat ako ng may nagsalitang babae.
"Gising ka na pala mortal. Tulug mantika ka ah?" Sabi na isang magandang babae napakinis at napakaputi ng balat nya, kulay pula ang kanyang mata, may mga labing kasing pula ng mga rosas, sexy pangangatawan na kala mo Ay isang modelo at mahabang buhok na abot ng kanyang baywang.
"Teka nasaan ako ? At bakit ako nandito?" Sambit ko.
"Nandito ka sa dimensyon kung saan unang napupunta ang mga namatay na bago pumunta sa afterlife. Kung paikliin para itong purgatoryo" sabi nya habang nakatitig sakin na parang bang may masamang balak sakin.
"Teka...Teka...Patay na ako? Anung nangyare?" Pagtataka Kong sinabi.
"Bilis mo naman ata makalimut. Ganto papaalala ko. Nasagasaan ka ng isang sasakyan dahil sa pagsagip sa isang babae." Sabi nya.
Tama naalala ko na nga pero anu kaya nangyare sa babae? "Anu pala nangyare dun sa babae?" Aking pagbanggit bigla.
"Hmmm nabuhay yung babae..." Agad naman ako natuwa. Inde nasayang ang pagsasakripisyo ko. "Ngunit.... may konting problema" sabi nya habang baka smirk
"Teka anu yun?" Pagtataka ko. "Nagkaroon siya ng komplikasyon ang kanyang utak dahil sa nabagok ang ulo nya dahil sa pagkakatulak mo. Madali sya nakakalimut ng mga pangyayare" sabi nya
Agad naman ako nalungkot. Ganun ba kalakas ang pagkakatulak ko sa kanya T^T. Isang malaking bangungut ang lagi makalimut.
"Teka wag ka na malungkot maswerte pa nga buhay pa sya saka isa pa nakalimutan din nya yung sakit ng nakaraan nya di ba maganda yun? Bweno may offer ako sayo tutal para ka naging bayani ay gagantipalaan kita inde ka na pupunta sa afterlife" banggit nya.
Napangiti ako. " Ibig sabihin mabubuhay ulit ako?" Sabi ko "Oi pero mapupunta ka sa ibang mundo. Di ba boring ang buhay mo? Pwes gawin natin exciting ang buhay mo" napasmirk sya.
"Ha?" Pagtataka ko. "Mapupunta ka sa mundo kung saan Ay parang isang adventure ang buhay mo makikipaglaban para lumakas at para mabuhay" sabi nya.
"You mean parang magiging laro ang buhay ko pero mahina ako sa physically panu ko magsusurvive doon?" Sabi ko. Matalino lang ako pero inde ko kaya makipagsabayan ng lakas sa personal hanggang virtual world lang ako.
Napangiti sya "Wag ka magalala bibigyan kita ng kapangyarihan at mga kagamitan" agad syang nagpa snap at nagsilabas ang mga ibat ibang kagamitan sa sahig. "Mamimili ka lang dyan. Dito sa kanan ko Ay mga armas, baluti, armors, pets at guardians. Sa kaliwa ko Ay mga scrolls mga kapangyarihan yan na pwede mo magamit mamaya paglapag mo sa mundong yun"
Nang papalapit na ako Ay bigla ito nagsalita " Ngunit may bilang lang ang pagkuha ng item isang legendary scroll lang pwede mo kunin pwede ding 4 na rare scroll, 3rare scroll isang legendary weapon or pet at .... Tsk basta sabihin mo na lang sakin anu kinuha mo para malaman mo kung anu pa pwede mo makuha" sabi nya na parang naiirita.
Agad ako pumunta sa dakong kaliwa kumuha ko ang 3 scroll.
The Gamer
Charmer
The Armor shifterPumunta naman ako sa kanan at kinuha isang papel nakalagay dun Ay Angelic Guardian. Pinakita ko na kanya ang mga kinuha ko at sinabi nyang sapat na yun.
"Teka panu ko to magagamit saka anu itong Angelic Guardian?" Sabay kamut ko sa ulo.
"Basahin mo lang yan nakasulat dyan sa likod ng scroll pagkalaglag ko sayo mamaya at ayang Angelic Guardian parang pet yan pinagkaiba Ay may sariling isip ito at emosyon. Tuturing ka nitong magulang dahil sa dugo at laman mo siya galing. Kailangan mo patakan ng dugo mo ang papel na yan. Bweno kung handa kana pumunta ka na sa bilog na yan" sabay turo nya sa puting bilog na umiilaw.
Pwumesto naman ako sa bilog na yun at naramdaman ko ako Ay umaangat at nagliliwanag ng biglang pakiramdam ko para akong hinahatak pababa at biglang naging blangko na aking paningin.
BINABASA MO ANG
The Gamer
AdventureSi Mark ay isang ordinaryong high school student na magaling sa larangan ng gaming. Isang aksidente ang babago sa kanyang ordinaryong buhay. Story completed but under revision