Mark's POV
Nakarinig kami ng pagsabog sa labas. May ginawa naman kaya Temmy na kakaiba bagay? May tumatakbo saking kawal saming direksyon.
Mahal na Haring Mark! Sambit ng kawal.
Sinabi ko naman na Haring Mark na lang walang mahal. Saan ba galing yung pagsabog kanina? Sambit ko.
Galing ho iyun sa labas ng barrier ng City. May umaatake po. Sambit ng kawal at nagbow ito sakin.
Agad ko pumunta sa taas ng wall ng Markanian upang tignan ang kung sinu ang umaatake sa labas. Sumunud din sakin si Quillon upang tignan din ang mga nangyayari sa labas. I see 10 people sa labas ng barrier. Siyam na tao ang nagbubuhat sa isang lalaking sobrang taba. Baboy ata ito! Naglalaway pa ang mantika sa katawan niya. Sinusugud siya ng mga kawal namin. Nakita ko pinana siya ng mga archers at nagulat ako sa aking nakita dahil tumalsik sa balat ng matabang lalaki ang mga palaso na binato ng mga archer. Lumabas ang mga mage soldiers namin at nagbato sila ng mga elemental magic sa lalaking mataba ngunit hinigop lamang ito ng lalaking mataba na para bang isa lang ito juice na iniinom.
Akalain mo naman. Ungas nga talaga ang Pig King. Sambit ni Quillon.
Kilala mo siya? Sambit ko.
Oo naman. Isa siya sa pitong magkakapatid. Sin of Glutton. He is immune to physical damages dahil sa tigas ng balat niya. Mas matibay pa ang balat niya kesa sa anu mang klaseng bakal sa mundo. May kakayahan siyang kainin ang kahit anu at iconvert ito sa magic or life force. Iyan ang isa sa mga dahilan kung bakit matagal ang buhay na pananalagi niya sa mundo dahil naicoconvert niya ang kinakain niya bilang panibagong taon ng kanyang buhay. Pero sa lahat ng magkakapatid siya ang pinakamahina sa lahat ng aspeto. Sambit ni Quillon at tinuro niya ang kanyang sentido. So sinasabi niya ungas nga talaga itong matabang ito.
Biglang humaba ang dila ng matabang lalaki at kinuha ang isa sa mga mage soldier ng City. Kinain niya ito ng buo at ilang saglit pa ay biglang umiilaw ang kanyang tiyan. Dumura ito sa barrier at nagkaroon ng malakas na pagsabog. Kinuha ko ang isa sa mga invention ng Markanian, para itong telepono sa real world.
Hello Soldier Unit B umatras na kayo kasama ng Unit A. Sambit ko sa telepono.
Umatras ang mga sundalo at pumasok muli sa barrier. Kinalabit ako ni Quillon.
Ako na ang bahala sa kutong lupa na yan. Mayroon ka ba dyan pagkain na buo at malaki? Sambit ni Quillon.
Di na ako nagtanung pa kung para saan iyun. Kumuha ako sa inventory ko ng roasted boars meat at binigay sa kanya ito. Hinubad niya ang gwantes sa kanyang kamay at naramdaman ko ang dark magic aura niya. Iyun pala ang dahilan kung bakit hinde mo maramdaman ang magic niya dahil nakaselyo ito.
Dark Bomb. Sambit ni Quillon at tinusok niya ang daliri niya sa karne. Pagtapos nun ay binato niya ito sa labas ng barrier. Nakita ito iyun ng matabang lalaki at agad niya itong kinuha gamit ang kanyang dila. Nang malulok niya ito ay may binanggit na salita si Quillon.
Explode! Sambit ni Quillon. Nagliwang ang katawan ng matabang lalaki at naglabas ito ng enerhiya sa kanyang bibig at ilang saglit pa ay sumabog siya na parang bomba.
Disgusting! Yung mga balat at laman loob niya kasi ay kumalat sa labas ng barrier.
Tell me before you do something like that. Sambit ko.
Ohhhhh pasensya na. Sambit ni Quillon.
Bumalik kami ng palasyo upang taposin ang aming usapin ni Quillon.
Gumamit na lang ako ng portal upang bumalik sa palasyo. Nakakatamad maglakad! May gusto ako itanung sa kanya mukang maraming siyang alam na impormasyon.
BINABASA MO ANG
The Gamer
AdventureSi Mark ay isang ordinaryong high school student na magaling sa larangan ng gaming. Isang aksidente ang babago sa kanyang ordinaryong buhay. Story completed but under revision