The Princess

2.9K 154 24
                                    

"Susugud tayo Dark at Lala!" Sigaw ko.

"Time Freeze!" Agad tumigil ang oras at tumakbo ako ng mabilis sa mga wolfman at pinagtataga sila.

Nang mataga ko silang lahat ay unti unti ko binabalik ang spada ko sa lalagyan nito at pag balik ko nito.

*tak* ( tunug ng pagkabalik ng spada sa lalagyan niya)

Nawala na ang epekto ng time freeze ng ibalik ko ang spada. Nagtatalsikan ang mga dugo ng wolfman at nagsibagsakan silang lahat.

Nagulat ang mga kawal sa nakita nila.

"Panu mo nagawa yun bata?" Pagtatanung ng isang kawal.

"Sadyang mabilis lang talaga ako " sambit ko.

Nagulat ako sa Nakita ko yung mga wolfman na pinagtataga ko ay tumatayo ulit at ang mga sugat nila ay naghihilom.

"Ayan yung kanina pa namin problema eh... Kanina pa namin sila pinatutumba pero Panay ang bangon nila at ang sugat nila ay nagsisihilom." Sabi ng isang kawal.

"Kanina pa kami napapagod sa kanila kaya nalagasan na kami ng dalawang kagrupo." Sambit ng isa pang kawal.

Akma susugod nanaman yung mga wolfman kaya agad ko sila pinigilan.

"Infinite spinning Mana Spear!" At tinamaan silang lahat at nagbagsakan.

Ilang saglit pa ay nagsibangon muli ang mga ito at sumugod Nanaman samin.

"Earth shield!" At napalibutan kami ng mga bato at ramdaman ko na pinipilit nila wasakin ang kalasag na bato ginawa ko.

Bakit kaya inde sila na mamatay? Teka...... hinde kaya?

"Summon Rock!" At lumitaw sa harap ko si Rock.

"Yes master?" Sambit ni Rock.

"Maliban samin at sa mga nilalang na nagwawasak ng kalasag natin. May nakikita Ka pa ba ibang nilalang dito?" Tanung ko kay Rock.

"Master merun pa ako ibang nararamdaman nilalang dito." Sambit ni Rock.

"Ilan sila?" Sambit ko.

"Iisa lang siya master." Sambit ni Rock.

Sabi na eh.... Siya pala yung dahilan kung bakit patuloy na nabubuhay yung mga wolfman na yun tsk.

"Rock ibaon mo siya sa lupa pero gusto ko nakalabas ang ulo niya para makahinga siya." Sambit ko. Tumango naman si Rock.

"Tapos na master!" Sambit ni Rock.

"Time freeze!" Sambit ko. Nang huminto ang oras ay lumabas ako sa earth shield namin at pinagtataga yung mga wolfman.

Nang mawala ang epekto ng time freeze ay tinanggal ko ang earth shield namin. Nakita ng mga kawal na nagsisibagsakan yung mga wolfman.

Nagantay pa ako ng ilang saglit at tama nga hinala ko inde na sila muli nagsisibangon.

Nakita ko naglabas ng apoy si Dark at sinunug ang mga katawan ng mga wolfman at tinitigan ko si Dark.

"Para hinde na sila mabuhay pa panginoon ko. Edi gawin na natin silang abo!" Sambit ni Dark.

Lumapit sakin ang isa sa mga kawal.

"Maraming salamat sa iyong tulong bata! Niligtas mo kaming lahat." At yumuko pa ito sakin.

"Naku Wala yun" sabay hawak ko sa batok ko.

"Kahit na namatay ang dalawa samin. Ang mahalaga ay ligtas ang prinsesa." Sambit ng isang kawal.

The GamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon