Kasalukuyan kami nakabalik na sa Alder City. Heto si Dark kanina pa kalabit ng kalabit.
"Panginoon , kain muna tayo *puppy eyes* " sabi ni Dark habang nagpapacute.
Ibang klase din talaga sikmura ng babaeng to kaliitliit pero ang laki ng imbakan ng pagkain. Haysss Wala naman ako magawa kaya pumunta muna kami sa isang bakery. Cake kasi gusto nila.
"Order lang kayu ng kaya nyu kainin ngaun sagot ko di ba? Eat all you can! May puntahan lang ako balikan ko kaya diyan" sabi ko. Agad naman nagtatalon si Dark sa tuwa at agad nag tuturo ng kung anu anu pagkain.
Paktay lugi pa ata ako dito dapat pala inde ko sinabi yung Eat all you can. Shit pero Wala na me magagawa bilisan ko na lang at baka tumaas bill ko dito Kay Dark.
Agad ako nagtungo papuntang Adventurers League. Agad ko naman hinanap si Lily at agad ko din ito Nakita. Nginitian pa ako nito at nagwink.
"Uy..... Mark! Bakit mo ko hinahanap? *flips her hair*" sabi niya habang nakatitig sakin.
"Napatay namin yung Phoenix.... So kukunin ko na reward ko" nakangiti ko sinabi. Agad siya nagulat sa sinabi ko.
"O.....M.....G..... Ikaw pala yun may gawa nun! Well expected ko naman yun" pinalo pa niya ako sa chest.
"Sige dating gawi lapag mo lang kamay mo diyan sa bato saka pagkanakatapos Ka na sa quest mo mag tap Ka lang diyan sa bato. No need na ipaalam sakin yun.... Okay?" At nag wink pa sakin si Lily.
"Okay.... Hehehe" ngumiti ako ng pilit sa kanya. Agad ko tinap ang kamay ko sa bato.
You received 3000000 golds.
Teka asan yung lodge ko? At agad ako napaisip.. Ay malamang malaki yun hahaha shunga talaga me XD.
"Asan pala yung lodge ko?" Sabi ko kay Lily. Agad to napangiti at may kaya kinuha sa bulsa niya isang capsule.
"Teka anu to?" Pagtataka ko. Napakamot pa ako ng ulo.
"Yan yung lodge mo!" Sabi ni Lily.
Teka seryoso ba siya? Sa liit nito inde ako kasya dito.
"Heto yung lodge ko? Anu gagawin ko dito lulunukin ko tapos sisigaw ako ng Darna tapos mag kakalodge na ako?" Sarkastiko ko sabi.
At bigla pa siya tumawa. Baliw na ata itong babaeng to.
"Hahaha . You're so funny talaga. Hinde pipindutin mo lang yung maliit na button diyan tapos ihagis mo yan then lalabas na yung lodge mo." Sabi ni Lily.
"Ahhhhh..... Ganto ba?" Akmang pipindutin ko na yung button ng bigla niya ako pigilan.
"Teka! Wag dito anu Ka ba? Masyado malaki yan para ipasok dito inde yan kakasya dito" nakangiti sabi ni Lily.
Talagang tinaasan niya pa boses niya sa words na malaki yan para ipasok dito. Haysss may iba ako naiisip sa sinabi niya.
"Doon tayu sa labas " agad niya ako hinatak.
Dinala niya ako sa isang maliit na lupain sa gilid ng Adventurer League.
"Bali dito mo ibato saka free Ka na diyan manirahan sa pwesto na yan pero 1 year lang daw." Sabi ni Lily.
Magbibigay pa sila ng lupain tapos may time limit din naman pala ts....
Agad ko pinindut yung button at binato yung capsule. Bigla umusok ito, nang mawala ang usok ay tumambad sakin isang malaking bahay na gawa sa kahoy.
Pinasok ko ang loob nito. Wow! Kumpleto ang gamit sa loob may kusina, may sala, may banyo at may bedroom. Dalawa ang higaan dun may dalawa naman sofa dito sa sala. Tinignan ko laman ng mga bawat cabinet. Wala ito mga laman. So walang libreng stocks ng pagkain? Wala din tubig? Pero hayaan na may supply naman ako niya dito sa inventory ko.
BINABASA MO ANG
The Gamer
AventuraSi Mark ay isang ordinaryong high school student na magaling sa larangan ng gaming. Isang aksidente ang babago sa kanyang ordinaryong buhay. Story completed but under revision