Phoenix Part 2

2.8K 145 3
                                    

Kasalukuyan kami lumalaban sa Phoenix.

"Dark Magcast ka ulit ng Dark Magic Explosion, Lala force call!" Sigaw ko sa kanila.

Agad lumapit si Lala at nag force call tapos nag cast na ng Dark magic explosion si Dark. Bumawas ulit ito ng 30% ng HP ng Phoenix.

Hinagis ko Kay Dark ang Mana potion at ininom niya ito. Agad ako sumugod at binawasan paunti unti ang Phoenix.

Nang makabawas ako ng 18% HP nito ay agad ako lumayo at nag cast gravity pull.

"Dark ngaun na!" Sabi ko.

Agad nagcast si Dark ng Dark magic explosion. Bumawas ulit ito ng 30% HP niya sa ngaun 22% na lang HP niya. Binato ko ulit ang huling MP potion Kay Dark at ininum niya ulit ito.

Sumugod ulit ako sa Phoenix at unti unti binabawasan ito hanggang sa maging 16% na lang HP nito.

"Lala tama na muna pagbawas guluhin muna natin siya need natin time. Dark gaanu pa katagal? " sabi ko sa kanila.

"Panginoon medyo matagal tagal pa 40% pa lang MP ko." Seryoso sabi ni Dark.

"Sige lilibangin lang muna namin yung Phoenix sabihan mo kami kapag nakapagreload ka na ng Mana" sabi ko. Agad ko tinulingan si Lala na libangin Phoenix.

Nang papunta na ako sa Phoenix ay agad ako nakarinig ng mga sumisigaw.

"Woooohhh.... Kung sineswerte ka nga naman oh. Mga kagrupo bawas na yung Phoenix 16% na lang HP pagkakataon na natin to!" Sabi ng isang Knight habang tumatawa.

"Teka! Wag nyu muna bawasan!" Pasigaw ko sabi.

"Gagawin namin ang gusto namin bata!" Sabi ng isang Archer.

Agad nila pinaulanan ng mga atake ang Phoenix.

"Hinde........" Pasigaw ko sabi.

Bumawas lang sila ng 1% ng HP ng Phoenix.

Waaaarrrrkkk..... Sigaw ng Phoenix.

"Lala! Dark! Dumikit uli kayo sakin!" Agad na nagdikitan silang lahat sakin nagcast ako ng malaking Mana shield upang pumalibot samin.

Naging bilog na bola ulit ang Phoenix at mabilis na bumabagsak sa lupa. Pagbagsak nito ay napalibutan ng apoy ang buong paligid at kasabay nun ayyyyy.... Bumalik sa pagiging puno ang buhay nito.

Nakakainis talaga mga pakilamero yun titigas kasi ng ulo at ang yayabang. Tinignan ko ang mga mayayabang na Adventurer. Nakahandusay sila sa lapag at walang malay. Puladong pulado ang HP nila.

Napalitan ng pagkaawa ang pagkainis ko sa kanila. Nilapitan ko ang isa sa kanila.

"Angel paki heal naman isang to" tumango naman si Angel at nagcast ng healing skill niya.

Agad na nagmulat ang isa sa kanila. Tinignan niya ako at nagsalita.

"Sa....sa....lamat! *cough* *cough* pasensya ka na samin to hinde kasi namin na ganto pala manyayare kala namin ayaw nyu lang palast hit nung Phoenix" agad to tumayo at napangiwi ito sa sakit.

"Teka Wala ba kayo dala HP potion? Wag ka muna kumilos sugatan ka pa." Sambit ko.

Ngumiti pa to sakin nabaliw na ata to sa sakit. "Wala kami dala HP potion dahil umaasa din kami sa healing skill namin" may inabot sakin siyang limang mp potions.

"Pasensya na sa abala yan na lang mabibigay ko dahil sa abalang ginawa namin. Nakakahiya mang sabihin pero pwede bang tulungan mo kami lituhin muna ang Phoenix para makareturn sa Alder city" tumango naman ako.

The GamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon