Mark's POV
Agad ako gumamit ng return stone upang makabalik na ng Alder city kasama si Akatsuki at nang makabalik kami ng Alder ay agad kami pumunta sa community namin. Nakita ko nagulat sila sa bago kong kasama.
Sinu yang lalaking kasama mo boss? Sambit ni Ken.
Babae yan Ken hinde lalaki at siya si Akatsuki. Sambit ko.
Ahhhh babae ba? Kala ko lalaki flat kasi. Sambit ni Ken at binatukan naman siya ni Akatsuki.
Aray! Daing ni Ken sabay hawak sa batok niya.
Sensei pwede ko bang batukan ang manyak na ito? Sambit ni Akatsuki.
Teka? Di ba dapat nagtanung ka muna bago bumatok? Sigaw ni Ken.
Sige lang ikaw bahala Akatsuki. Sambit ko at binatukan muli ni Akatsuki si Ken.
Aray bakit ka naman nambatok? Sambit ni Ken.
Nagpaalam na ako..... Sambit ni Akatsuki. Nakita ko nainis talaga si Ken at agad itong nag walk out. Hahahaha natatawa ako sa dalawang ito dalawang kengkoy nagsama.
Pumasok kami sa loob ng mansyon at nakita ko naman si Elaine at ang sama ng tingin niya sa direksyon namin. Lagi kasi nakadikit sakin si Akatsuki sinabihan ko muna siyang magpahinga muna. Agad kong pinalapit si Ejii sakin.
Ejii ipagliban mo muna ang pinagagawa ko sayo pupunta tayong Celestial City. Sambit ko.
Teka sasama ako! Sigaw ni Elaine sabay ligkis niya sakin sa braso.
Hoy babaeng tuko hinde ka pwede sumama delikado. Sambit ko.
Sige na..... saka muka ba akong tuko? Sabay pout pa niya sakin.
Oo muka kang tuko kapit ka kasi ng kapit sakin! Tsss baka malagot ako sa tatay mo pag may nangyari masama sayo... Kaya w...aaaaaa....gggg.... na..... Sambit ko nakita ko lumungkot ang mata niya at parang iiyak na siya. Taenang babae ito hayss... Hinde ko alam kung bakit hinde ko siya matiis pag ganyan na mukha niya.
Oo na oo na pero pagtapos natin makapunta ng Celestial City uuwi ka na agad dahil may kakalabanin kami pagtapos namin pumunta ng Celestial City. Sambit ko at nakita ko ngumiti na siya muli haysss mga babae nga naman para paraan.
Gawin mo na Ejii. Sambit ko at may sinulat si Ejii sa papel.
Art of Travelling: Teleportation to Celestial City. Sambit niya at nagkaroon ng magicircle sa paahan namin at nakapagtravel agad kami sa Celestial City.
Isang floating City ang Celestial City kaya nga ito pinangalan Celestial dahil nasa langit ito. Ginamit ko ang Pixie Dust na bigay sakin ng lola ni Elaine upang makalipad kami sa taas.Nang makarating kami sa gate ng Celestial City ay agad kaming hinarang ng mga guards.
Sinu kayo at saan kayo galing? Sambit ng isang guard.
Ako si Mark isang Adventurer na galing sa Alder, ito naman si Ejii isa ding Adventurer na galing sa Alder at siya naman si Princess Elaine Alder anak ng hari ng Alder . Gusto sana namin makausap ang inyong Hari. Sambit ko.
Bakit niyu kailangan kausapin ang Hari namin? Sambit ng isa pang guard.
May mensahe kami kailangan ibigay sa kanya. Sambit ko.
Kung ganun ay samin niyo na lang sabihin at sasabihin namin yun sa kanya. Sambit ng isang Guard.
Hinde pwede confidential ang mga mensahe ibibigay ko tanging sa Hari ko lang ito pwede sabihin. Sambit ko at nagusap yung dalawang Guards.
BINABASA MO ANG
The Gamer
AdventureSi Mark ay isang ordinaryong high school student na magaling sa larangan ng gaming. Isang aksidente ang babago sa kanyang ordinaryong buhay. Story completed but under revision