Halos isang oras na kami bumibiyahe dito. Di ko alam kung bakit hinde na lang sila gumamit ng return stone para makapunta doon sa lugar na yun.
"Ahhh Fidel matanong lang kita ha? Bakit hinde na lang kayo gumamit ng Return stone para pumunta doon?" Tanung ko.
"Ahhh ayun ba? Hinde ko din alam pero ang alam ko ay nakablock daw ang teleportation magic sa Fairytopia yung ang sabi nila. Tingin ko ay hinde lang siguro abot ng range ng return stone ang lugar ng Fairytopia." Sambit ni Fidel.
Hayss hinde ko alam sa dalawang choices ang Totoo. Aba malay ko ba doon hinde naman ako yung gumawa nun.
Wala pa din pagbabago nasa balikat ko pa rin itong prinsesa at ang sarap ng tulog niya sa balikat ko.
Sa aming paglalakbay ay may hinde inaasahang pangyayare bigla umangat ng konti yung kabilang side ng karwahe mukhang may naapakan yung gulong na kung anu.
Dahil sa nangyari yun ay bigla bumagsak yung ulo ng prinsesa sa anu ko. Shemay!
"Aray!" Sambit ko. Putcha sa lahat ng tatamaan doon pa sa..... Teka?
Nagulat ako sa nakita ko yung ulo ng prinsesa nasa junior ko! Dali dali ko inangat yung ulo ng prinsesa papunta muli sa balikat ko. Sa lahat ng pwede pag landingan ng ulo niya sa junior ko pa talaga! Buti na lang at ang himbing ng tulog ng prinsesa at walang nakikita ng nangyare.
Teka Wala nga ba? Tumingin ako sa dako ni Fidel. Nakangiti ito sakin.
"Wag Ka mag alala ginoo secret lang natin yung nangyare." Sabay kindat pa niya sakin.
Nakakahiya talaga yung nangyare jusko. Kainin mo na ako lupa please....
After three thousands years este hours pala nakarating na daw kami ng Fairytopia.
Nang buksan ang pintuan ng karwahe ay ako ay namangha sa akin nakita. Napakaganda dito! Akala mo ay nasa isa kang fairytale!
As usually nagunahan pa bumamaba yung dalawa ko baliw na kasama. Kakapal talaga ng apog hays....
Lumabas na rin ako para alalayan ang prinsesa sa pag baba. Nang kami lahat ay makababa ay may natanaw ako isang Matandang babae. Black ang buhok, asul ang mata , may mga dilaw na fairy wings, may katangusan ang ilong nito at kita ng kita na ang sign na matanda na ito dahil sa kulubot nitong mukha at hukot na tindig.
Agad na tumakbo ang prinsesa sa matanda.
"Grandma!" Sigaw ng prinsesa habang tumatakbo.
"Apo ko!" Sigaw ng matandang fairy.
Sabay yakap ng prinsesa sa matanda."Namiss po kita grandma. Bakit kasi hinde na kayo dumadalaw samin" sambit ng prinsesa habang nakapout.
"Naku apo ehh masyado lang abala dito sa City alam mo naman ako ang lider dito." Sambit ng Matanda.
"Oo nga po pala grandma. Si Mark po pala nagligtas po sa buhay namin" sabay hatak niya sakin. Kailangan talaga ako hatakin?
"Naku iho maraming salamat sa pagligtas sa apo ko ha? Wag Ka magalala may ibibigay ako sayo. Pero bago yun pumasok muna tayo sa loob at kumain na tayo. Nakahanda ang pagkain doon!" Sambit ng matanda.
"Kakain na daw tayo panginoon?" Sambit ni Dark. Tumango naman ako.
Ayun tumakbo agad yung babae papunta sa loob. Basta talaga pagkain ang lakas ng senses nito.
---------------------------------
Andito kami ngaun sa harap ng hapagkainan at nakakahiya talaga si Dark parang hinde nakakain ng ilang taon. Lamon there lamon here *facepalm* bakit pa ako nagsama ng alagain baboy hays...
BINABASA MO ANG
The Gamer
AdventureSi Mark ay isang ordinaryong high school student na magaling sa larangan ng gaming. Isang aksidente ang babago sa kanyang ordinaryong buhay. Story completed but under revision