Makalipas ang ilang araw ay nabuo ang buong Markanian. Napabilis ito dahil sa Time Delayed sa loob nito. Dumagsa din ang marami pang nilalang sa loob ng Markanian. Halo halong mga lahi mula sa ibang lugar ang dumadagsa dito. Bukod sa ganda ng lugar na ito ay dinadagsa rin ito dahil sa malaking oppurtinidad na dala ng lugar na ito.
Baqa's POV
Lord Baqa! Sambit sakin ni no.17 habang nakaluhod ito sakin.
Dumagsa na ang maraming tao sa M City at tinawag nila itong Markanian City. Sambit ni No.17.
May nakita din kami isang barrier na nakapalibot dito pero hinde ho namin ito mabutas or mabasag. Sambit ni No. 17
Anu kulay ng barrier na ito ? Sambit ko.
Wala ho itong kulay Lord Baqa. Transparent po ito at hinde halata. Nakita din namin na nakakadetect ng Dark presence ang batay ng M City. Sambit nito.
Isa itong Essence of a God kaya inde mo talaga ito mababasag. Kung ganun hinde kayo makakuha ng maayos na impormasyon? Sambit ko.
Opo Lord Baqa! Sambit ni No. 17 at nakayuko ito sakin.
Pwede pupunta tayo sa loob nun upang kumuha ng impormasyon. Kailangan natin magpanggap na manlalakbay. Sambit ko at tumayo ako nilagay ang aking gauntlet. Ito ang selyo ng aking Dark Magic upang inde ito lumabas. Nag suot din ako ng itim na armor na halos balutin ang aking buong katawan upang itago ang aking buong katawan.
Pero Lord Baqa hinde ba ito delikado. Paniguradong maalerto ang mga tao kapag nalaman nila na may dark magic user na pumasok sa lugar na iyun. Sambit ni No.17.
Kaya iiwasan natin makaalerto. Hanggat suot ko ang mga bakal na ito ay mananatiling nakatago ang kapangyarihan ko at isa pa hinde ako natatakot mamatay N0.17 ako ang Undead King sinumpa ako bilang isang nilalang na hinde mamatay hanggat hinde nawawala ang sumpang tinanim ko sa mundong ito. Sambit ko. Napayuko na lang ako at naalala ang nakaraan. Lahat ng pagkakamali ginawa ko ang punotdulo ng lahat ng ito.
Umalis kami ng ni No.17 sa aking palasyo. Nakatago sa isang madilim na lugar ang aking palasyo. Kinumpas ko ang aking mga kamay at agad kami nakarating malapit sa harap ng M City.
No. 17 wag na wag kang gagawa ng masama galaw pag pumasok na tayo sa loob. Wag mo rin ako tatawagin Lord Baqa sa ngaun. Tawagin mo ako ngaun bilang Quillon at ikaw naman ay papangalan ko bilang Lizbeth. Maliwanag ba Lizbeth? Sambit ko.
Opo Lord Ba.... Quillon! Sigaw niya at nagsalute ito sakin.
Dumiretso agad kami sa harap ng gate ng M City at hinarang agad kami ng dalawang Beastral guard. Isang Taong Aso at Isang Taong Pusa.
Bago lang ang amoy mo sakin.Ano ang iyong nais dito? Sambit sakin ng Taong Aso.
Galing kami sa isang village na tinatawag na Cyber malapit ito sa kabisera ng Techno City. Narito kami upang masaksihan ang bagong City. Sambit ko.
Totoo ba ang kanyang sinasabi Meowth? Sambit ng taong aso.
Inde ko malaman sapagkat wala akong makitang daloy ng dugo sa kanyang katawan. Hinde siya isang nilalang na may buhay. Sambit ng taong pusa.
Tinutukan kami ng dalawang bantay. Anung klaseng nilalang kayo at bakit wala kayong dumadaloy na dugo sa inyong katawan? Isa ba kayong undead? Sambit ng taong aso at nakatutuk sakin ang kanya sandata.
Akmang susugab ng sandata si No. 17 ngunit piniglan ko siya. Tinignan ko siya sa aking gilid at sinabihan gamit ang telepathy. Nang huminahon na siya ay agad ako nagsalita sa dalawang bantay.
BINABASA MO ANG
The Gamer
AdventureSi Mark ay isang ordinaryong high school student na magaling sa larangan ng gaming. Isang aksidente ang babago sa kanyang ordinaryong buhay. Story completed but under revision