First Duel

3.7K 158 3
                                    

Nang bumukas ng maigi ang gate ng Alder City Ay kitang kita ko ang loob nito. Napakaganda ... Parang bayan sa mga nilalaro ko adventure games may mga naglalakihang mga bahay may mga tindahan na pinagkakaguluhan ng mga tao tulad ng mga tindahan ng prutas, gulay, mga armas at baluti, mga armors at damit, at kung anu anu pa.

Kitang kita din ang mga ibat ibang tao dito may mga nakaarmor, may parang mga ninja, mage, may mga nakasuot ng balat ng hayop at marami pa iba. Pansin ko lang bat pinagtitinginan nila ako?

Ahhhh... Siguro dahil baduy ang porma ko Wala naman ako choice eh Wala ako masuot.

Agad na may lumapit saking lalaki nakasmirk pa to. " Bata baguhan ka lang dito?" Habang nakasmirk.

Sinagot ko naman siya ng " Opo tanda" nakakainis kasi tawagin ba akong bata?

"Wag mo ko tawaging tanda!" Nagngitngit ang ngipin nito.

"Eh tinawag mo Kong bata eh? So ibig sabihin matanda ka na?" Sabi ko habang nakangiting loko.

"Pre turuan mo ng leksyon kabago bago ganyan na agad" sabi ng matabang kasama niya.

"Sige pre. Uy bata .... Hehehehe hinahamon kita ng isang duel" sabi nya.

"Panung kung ayaw ko? Saka isa pa Wala naman ako mapapala sayo magsasayang lang ako ng oras" sabi ko habang ngiting loko.

"Aba minamaliit mo ko ah? Mapapala ba? Pare paabut ng spare weapon nation diyan" sabay may inabot sa kanya isang blade. Agad ko itong inobserve.

Titanium blade
+5 atk
+2 agi

Not bad pero inobserve ko din kalaban ko baka mataas stats eh.

Edward lvl 8

HP : 700
MP : 700
SP : 900

STR 8
AGI 12
INT 5
VIT 8
LUCK 300
CHARM 200

CRIT CHANCE 1%
MR 0%
PR 3%
DR 4%

ATK 100
MGC 35
DEF 13
MS 10m/s

Teka parang may Mali bat ganun stats nya parang inde tugma lahat. Tingin ko dahil sa stats niya mukang inde ko kakayanin to. "Hays panu ko kaya siya tatalunin?" Pabulong Kong tanung.

Nakita ko nagsalita si Angel " Papa gamitin mo ang Divine fusion natin " tama! Inde ko pa nagagamit yun.

"Sige payag ako!" Sabi ko habang nakangiti.

"Tara bata dun tayo sa arena" sinundan ko siya hanggang sa Nakita namin ang isang arena pinalilibutan to ng tao at sobrang ingay .

"Magduduel kami manong lam na ha?" Sabi ni mokong.

"Geh sinu ba kalaban mo ? Oh may bago naman tayo pagpustahan mag ingay!" Sigaw ng lalaki.

Woooooohhhhh! Sigaw ng mga tao.
"Siya kalaban ko" sabay turo sakin. Natigil sigawan ng lahat.

"Tsk! Tsk! pati baguhan pinatulan mo pa iba ka din talaga" sabi nung manong.

"Tinuturuan ko lang ng leksyun tong bata para malaman niya sinu dapat galangin" sabi niya. "Hoy bata! Pagnatalo ka akin na yang gloves mo hahaha yan pamusta mo sakin bawal walang pusta dito" sabi niya habang natawa.

"As if matalo mo ko?" agad na ko puwesto sa dulo ng arena kitang kita ang mga tao dito. Hanggang sa .....

"Sisimulan na namin ang laro! Sinu gusto pumusta sa baguhan?" Sigaw ng announcer.

"Ako ! Pupusta ako ng 30k sa batang ito." Sabi ng isang matandang lalaki tingin ko mga nasa edad 80 na ito.

"Aba ang laki ng pusta ni lolo apo mo ba to? Haha at ngaun lahat ng gusto pumusta Kay Edward pumunta na para maglapag ng pusta! Syempre pusta di ako Kay Edward" pagmamayabang ng announcer.

The GamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon