Ahhhhh sakit ng katawan ko ng ako ay magkamalay. Para ako nadaganan ng 100 elepante.
"Iho Buti gising Ka na!" Sambit ni Constantine.
"Ilang oras ho ba akong nawala ng malay?" Sambit ko.
"Hmmm mga isang oras lang iho" sambit ni Constantine.
Buti naman ganun lang katagal kundi aabutan ako ng.... Tama hapunan! Patay baka hinahanap na nila ako.
"Aray!" Pagiling ko. Nakaramdam ako ng pananakit ng katawan.
"Iho tiganan mo may umiilaw sa dibdib mo." Sabay turo sa kanan ko dibdib.
Agad ko hinubad ang pangitaas ko upang makita kung anu ba talaga yung nagliliwanag na iyon. Nagulat ako sakin Nakita. May tumitingkad na Letter A sa aking dibdib.
Teka anu ito ? Inde naman ako nagpatatoo ah?
"So ang bato mismo ang pumili sayo." Sambit ni Constantine.
"Ha? Anu ho?" Pagtataka ko.
"Wala iho sige na ako ay aalis na! Kailangan pa ako sa sanctuary." Sabay lakad paalis ng matanda at pumasok ito sa isang tagong pintuan.
Binalewala ko na lang yun at sinuot ko naman ang pangitaas ko damit at nagmadali nang umakyat ng hagdan.
--------------------------------------------
Nagtungo agad ako sa kainan at inde nga ako nagkamali andun na silang lahat. Buti sakto lang ang dating ko."Ohhhh Mark andyan Ka na pala sakto ang dating mo! Halika sumabay Ka na kumain!" Sambit ng hari.
"Mark dito Ka na umupo" malambing na pagaya ni Elaine.
Kaya naman umupo na ako at tumabi sa kanya. As usual parang patay gutom naman kumain si Dark. Hays nakakahiya talaga sa Hari na may baboy kami kasama.
Nakita ko naman ito katabi ko ang hinhin kumain. Dahan dahan kung kumain at matagal ngumuya ng pagkain.
"Ohh Elaine anak? Wala Ka ba gana kumain ngaun? May sakit Ka ba ? Parang kakaiba Ka ata kumain ngaun? " sambit ng hari.
Nakita ko nagulat yung prinsesa sa sinabi ng ama niyang hari at pinagdilatan niya ito na para bang may sinasabi.
Tumawa bigla ang hari.
"Hahaha nahihiya Ka ba makita ni Mark?" Sambit ng hari habang natawa.
"Ama! Naman eh...." Sambit ni Elaine.
"Wag Ka na magpanggap anak ko tingin ko naman ay matatanggap ni Mark yan......" Magsasalita pa sana ang hari ng sumingit ang prinsesa.
"Ama naman eh...." Sambit ni Elaine.
Ang cute niya mainis lumolobo pa pisnge niya hahaha. What did I said cute?
"Elaine okay lang yun magpakatotoo Ka lang nuh. Ayaw ko pa naman sa babae yung mapagpanggap" sambit ko.
Nangsabihin ko yun ay hinde ko na gusto pa ang nakita ko ngaun. Putcha prinsesa pa ba ito. Lumalamon lang naman siya parang si Dark. Para sila nag food Marathon.
Mukang gusto ko na bawiin yung sinabi ko kanina!
----------------------------------------
Nang matapos kami kumain ay nagtungo na kami sa aming tutulugan. Halos magkaharap lang kami ng kwarto ni Elaine. Nang iwan kami ng mga maids ay bigla ako hinalikan sa pisnge ni Elaine."Good night Mark!" Nakangiti sabi ni Elaine.
"Good night din Elaine" nginitian ko din siya. Tatalikod na sana ako ng bigla siya nagsalita.
BINABASA MO ANG
The Gamer
AdventureSi Mark ay isang ordinaryong high school student na magaling sa larangan ng gaming. Isang aksidente ang babago sa kanyang ordinaryong buhay. Story completed but under revision