Crystal Cave

2.7K 127 3
                                    

Mark's POV

Pagkatapos ko matalo yung humarang sakin kagabi ay agad ako umuwi sa community namin at natulug. Kinabukasan pag gising ko ay kumain agad ako at pagtapos pumunta ako sa garden upang magmunimuni. Hinde ko na kasi alam ang gagawin ko o uunahin ko. Kung hahanapin ko ba ang bawat location ng mga cities at kunin ang kapangyarihan nito, hanapin ang lost city o ang maghanap ng mga resources. Nagpapasalamat talaga ako sa nature dust na ito eh nagkaroon kami ng mga suplay ng gulay at prutas at madali lang ito tumutubo pati na din sa magical herb dahil na icoconvert namin ito sa HP potions at binebenta ito. Ang pera naman ang siyang pinambibili namin ng mga materials para sa crafting at pag gawa ng mga armas at armors.Kalaunan habang nasa garden ako ay dumating na din si Ejii.

Dala mo ba ? Sambit ko kay Ejii at pinakita niya ang mga dala niyang gamit ni Ren. Nakalimutan ko kasi dalhin kagabi. Sinuri ko ang mga gamit ni Ren at may nakita ako nakaipit na Mapa sa bulsa ng damit niya. Mapa ito ng buong Fantasy world may mga letra din kada lugar dito tingin ko ay mga position ito ng mga cities. May napansin din ako mga marka sa ibang city at name ng villages. Spada magkaekis, three blade claws, karit, puppet at isang apoy ngunit kulay dark ito na may halong asul.

Kaninong gamit ba ito Mark? Sambit ni Ejii.

Kay Ren ito isa sa mga Generals ng Demon King na natalo ko. Sambit ko at kinagulat ito ni Ejii.

Sa mga so merun pa iba? Sinu naman yung iba na yun? Sambit ni Ejii.

Ahhhh yung isa ba ? Sambit ko at naging seryoso ang muka nito at hinihitay talaga niya yung sasabihin ko. Si Daemos the Shadow Walker. At nang banggitin ko iyun ay napabuntong hininga siya. Pinalapit ko si Dark sakin.

Bakit panginoon ko? Tanung ni Dark.

Kilala mo ba ang limang Generals ng Demon King? Sambit ko at tumango naman si Dark.

Gusto ko malaman ang mga pangalan nila ayon sa pagkakasunud ng rankings nila. Unahin mo sa pinakamahina papalakas. Sambit ko.

Una si Daemos The Shadow Walker, Ren The Great Swordsman of North, Nercolyte The Necromancer, Yomiel The Puppet Master or The Manipulator at yung huli hinde ko kilala ang tunay niyang pangalan ngunit tinatawag siyang Dark Magnus dahil sa galing niya sa Dark magic. Sambit ni Dark. Kung ganun malamang kaya maraming galamay ang Demon King ay dahil sa Manipulator na ito kailangan ko siyang mahanap para mabawasn ang hukbo ng Demon King. Urgggghhh may hahanapin naman ako!! Well tingin ko hinahanap naman nila ako ehhhh kaya hinde na ako maghahanap sa kanila sila maghanap sakin. Ayoko ko nga maghabol.. Hinde naman ako aso!

Pagtapos namin magusap ay kanya kanya ko silang binigyan ulit ng mga gawain. Lumabas muna ako ng City upang maghunt mag isa. Nakakatamad magupo upo lang kung sabagay pwede na nga lang ako humilata magdamag eh kasi mag sarili na ako pabrika ng pera hahaha dahil sa mga tauhan ko nag bebenta ng mga items pero heto ako hanap ko pa rin talaga ay adventures.

Habang ako ay naghahanap ng mahuhunt ay may narinig ako pagyanig sa isang dakong silangan ko kaya agad ako pumunta doon. May nakita ako isang nilalang na nakaitim na kasuotan, may mga hawak itong blade na napapaligiran ng hangin na aura at may mahahabang buhok. Babae kaya ito ? or is it a trap again? Inaataki siya ng isang Rock Golem.

Nakakainis pa naman yang mga golem dahil may immunity sila sa magic kaya kailangan mo talagang basagin ang pinakacore nito para itoy matalo mo kasi pag dinurug mo lang ito ay mahahati muli ang mga ito ay mahahati ito sa dalawa. Nakita ko nilalabanan ito ng nakaitim na nilalang ngunit mali ang paglaban nito dahil inaataki nito ito sa katawan. Nakita ko nabali ang mga spada niya dahil sa tigas ng katawan ng Golem.

Nang makita ko aatakihin na siya ng Golem ay agad ako nagtungo sa kanya at sinalag ko ang ataki ng Golem pagtapos nun ay nilabas ko ang gauntlets ko at winasak ang pinakacore nito. Nabasag ang Golem na kinagulat nung nilalang na nakaitim. Bigla siya nag salita.

The GamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon