T W O

2.7K 36 5
                                    

Ilang oras na akong babad sa harap ng laptop ko at medyo sumasakit na ang mga mata ko. I'm busy editing my video that I'll be posting today. The video was about depression. I think, this is gonna be a great content for my video. I mean, it's very relevant today. Ilang tao ang nakakaranas ng depresyon sa buong mundo at gusto ko magparating ng mensahe sa video ko.

Depression has never been a joke. Some people sadly end their lives because of depression. So, how come naging joke ang depression? We should stop being insensitive to those people who are suffering and fighting their depression. Hindi madali ang magkaroon ng ganito. You are having a battling thoughts inside your mind.

So, if you are depressed, talk to the people around you. It would be a big help. You have your family. Open up to them. Ang pagiging tahimik kasi ang isa sa mga dahilan ng depresyon. Kinikimkim mo kasi ang lahat at wala kang pinagsasabihan. Tell them your thoughts and everything.

And please, be strong. Keep going. You still have a beautiful life to live. You still have a lot of goals in life to achieve. You still have to travel the world. And before you end your life, think about the people around you. What would they feel if they will lose you? Your parents? Anong mararamdaman nila kung mawawalan sila ng anak? Your siblings? Anong mararamdaman nila kapag nawalan sila ng kapatid?

You have a lot of reasons to continue your life. Please know, that you are not alone. You are loved. You are enough. Fight your depression. Because you are stronger than that. Cry. Let it out. It's okay to cry. Hanggang sa malabas mo lahat. Go out and socialize with other people.

There are tons of reason why people are having depression. Kaya kumapit ka sa Diyos. He's going to be your strength aside from your family.

"Are you done, Flynn?" Dumungaw si Hailey sa pintuan.

I lifted my head and looked at her. "Hindi pa, e. Uploading pa lang ang video ko pero malapit naman na 'to."

"O sige. Bumaba ka agad."

Binalik ko na ang atensyon ko sa aking laptop at hinihintay na ma-upload ito. Bumuntong-hininga na lang ako dahil sa bagal ng Internet sa Pilipinas. 'Di na ata 'to magbabago. Tumayo na lang ako para magbihis. Pupunta kasi kami ngayon nina Hailey at Safire sa mall. We'll be having our girl bonding time. At siyempre, hindi kasama ang mga pinsan naming lalake. They protested pero wala rin naman silang magagawa.

I decided to wore a midriff top, a high-waisted shorts and a white sneakers. Hinaplos ko ang lantad kong belly button dahil sa suot kong midriff top. Buti na lang at mabilis ang metabolism ko. Hindi ko na kailangan mag-gym o kung ano pa man. I've always been petite.

Dinungaw ko ang laptop ko at tumalon nang makitang successfully uploaded na ito. Finally! Sinara ko na ang laptop ko pagkatapos at nilagay ito sa ibabaw ng table. Tinanggal ko ang phone ko na naka-charge at nilagay ito sa loob ng shoulder bag kong maliit. Hindi ko pinusod ang buhok ko at hinayaan lang itong nakalugay. Tumatalak nga sina Hailey at Safire dahil naiinggit sila sa kulay green kong buhok.

Pagkababa ko sa living room ng bahay nina Hailey ay nadatnan kong naka-upo roon ang lahat ng mga pinsan ko. Sina Devin, Safire at Alexus ay nakababad sa phone nila. Habang sina Atticus at Hailey ay nag-uusap.

"Safire, Hailey, tara na." Anunsyo ko kaya napatingin silang lahat sa akin.

"Ba't ba ayaw niyong kasama kami?" Naiinis na tanong ni Atticus habang kinakamot ang kanyang ilong.

"Bonding namin 'to! Mag-bonding din kayo at bahala na kayo sa buhay niyo!" Sigaw ni Safire at tumayo na.

Devin snorted at humiga sa sofa. "Sus, pag-uusapan niyo lang naman ang mga crushes niyong pangit."

Being Wet Behind EarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon