S I X T E E N

1.5K 19 1
                                    

"Your phone was ringing earlier. It was Hailey." Pambungad sa akin ni Exton nang makapasok ako sa loob ng kanyang kwarto pagkatapos kong manghugas ng mga pinagkainan namin kanina.

I nodded and went to the side table. I grabbed my phone and opened the three messages Hailey just sent me.

Hailey:

Flynn, it's a fucking emergency for pete's sake! Ngayon pala uuwi sina Tita at Tito!


Ako:

Huh? Pero sabi nila sa akin sa mga susunod na raw pa.


Hailey:

Iyan ang akala mo! Nalaman na kasi ni Tito na kayo na ni Exton! Go home now, Flynn. And bring Exton with you.


Ako:

Okay, I will.


I felt so nervous now. My heart's beating so fast. Pinuslit ko na sa loob ng aking bag ang phone ko at hinarap si Exton.

"Samahan mo 'ko sa bahay nina Hailey. Ngayon uuwi sina Daddy at nalaman niyang tayo na." Deklara ko sa kanya.

He nodded. "Okay, then. Wait lang, papa-gwapo muna ako."

Natawa na lang ako sa kanya. Ibinigay niya muna sa akin ang sinuot kong mga damit kagabi at malinis na pala ito. Nang makatulog daw kasi ako kagabi ay nilabhan niya ito at pinatuyo.

Pagkatapos kong magbihis ay umupo muna ako sa kama habang pinapanuod si Exton. Agad kong nalanghap ang mabangong perfume niya. He's good looking, effortlessly. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit gusto niya pang magpa-gwapo.

Pagkaalis namin sa condo building niya ay pinasibad na ni Exton ang kanyang sasakyan patungong uptown. While I'm busy replying to Hailey's messages. Mas lalo niya akong pinapakaba!

I just hope that my Dad won't kill Exton.

Pagkarating namin sa bahay nina Hailey ay tahimik ang buong bahay. Nagtanong ako sa isa sa mga kasambahay kung nasaan sila at ang sabi niya'y nasa bahay nina Lolo't Lola na raw silang lahat.

Sinamahan ako ni Exton sa guest room kung saan ako natutulog. Nakahiga siya sa kama habang pinapanuod ang bawat galaw ko. Which made me conscious, though. I went to the closet and scanned all my clothes.

"Baby..." Pangungulit ni Exton.

I chose to ignore him. Nagdedesisyon pa kasi ako kung ano ang susuotin ko. I grabbed a black crop top and a denim tattered fitted skirt.

"Baby, pssst..." Tawag ulit ni Exton sa akin.

Medyo iritadong tinignan ko siya. "What is it?"

"I love you." He replied. "Ang sungit mo, gusto ko lang naman magsabi na mahal kita." Tunog pagtatampo pa niya.

I sighed heavily and gave him a smile, a sweet one. "I love you, too. I'm sorry."

"Forgiven."

Pumasok na ako sa loob ng banyo para makapagbihis. Nang matapos ako ay lumabas na ako at humarap sa malaking salamin. The outfit that I'm wearing is fine already. Then I wore my ankled boots.

Naglagay na lang ako ng powder sa mukha ko at nude lipstick. Tumayo na si Exton at hinawakan ang kamay ko bago kami lumabas sa kwarto. Naglakad lang kaming dalawa ni Exton papunta sa bahay nina Lolo't Lola dahil sobrang lapit lang naman nito mula sa bahay nina Hailey.

Pagkapasok namin sa loob ng bahay ay tumambad sa amin ang mga pinsan kong naglalaro ng PS4 sa living room. Napalingon silang lahat sa amin at tumigil sa paglalaro.

Being Wet Behind EarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon