S I X

1.7K 22 0
                                    

"Thank you, Alexus." Pasalamat ko sa pinsan ko bago ako bumaba.

"Are you okay, Flynn?" Malamyos na tanong ng pinsan ko.

Kumunot ang noo ko. "I'm fine, Alexus. Bakit mo natanong?"

"Wala lang..." He shrugged his shoulders. "Anyways, I'll go now, Flynn."

Kinawayan ko siya bago tuloyang pumasok na sa loob ng bahay nina Hailey. Tahimik na ang buong bahay kahit alas diyez pa lang ng gabi, maaga kasi natutulog ang mga tao rito. Pagkapasok ko sa loob ng kwarto ko ay binabad ko ang aking sarili sa bathtub.

Bakit hanggang ngayon ay sumisikip pa rin ang dibdib ko? Wala naman na akong suot na bra ngayon, a. Natawa tuloy ako sa naisip ko.

Dang it, Flynn. Stop thinking about him. It's not like he cheated on you... Kaya huwag kang mag-inarte na para bang pinagtaksilan ka niya.

Tinitigan ko ang babaeng kalandian ni Exton kanina. She's pretty, I must admit it. But I'm far from her. She's daring. Which is one of Exton's types. Hindi iyong inosente na katulad ko.

Nakatulog ako ng isang oras habang nakababad sa aking bathtub. Pagkatapos ay lumabas na ako sa banyo at nagbihis ng damit. I was yawning when I heard my phone beeped.

Exton:

I'm outside. I want us to talk, please.


I bit my lower lip. Anong ginagawa niya sa labas at bakit niya ako gustong makausap? At iniwan niya ba ang babae niya? Pero sa huli ay lumabas din ako sa aking kwarto. Hindi ko naman hahayaang maghintay siya sa akin sa labas. That would be so rude of me.

Maingat kong binuksan ang gate at lumabas na ako. Nakita kong nakapark sa medyo ma'y distansya ang sasakyan ni Exton at naglakad na ako papunta roon. Lumabas siya mula sa loob ng kanyang sasakyan at hinintay akong makalapit sa kanya.

His stares were brooding. Pagkalapit ko sa kanya ay matamlay ko siyang tinignan.

"Anong gusto mong pag-usapan natin, Exton?" Mahina kong tanong.

Tumingala siya at ginulo ang kanyang buhok. "Fuck..." He cursed. "Flynn, I'm sorry about what happened earlier. Alam kong gago na ang tingin mo sa akin ngayon dahil sa mga nakita mo kanina. But, I was just mad...so mad, that's why I did what I did earlier."

I froze. Why is he saying sorry?

"Galit ka? Kanino? Sa akin?" Tanong ko.

Agaran siyang umiling. "Of course, not. You went out with Branson. At sa kanya ako galit."

"Wala naman siyang ginawang masama sa akin, Exton. Besides, I want to make friends here, too." Mahinahon kong sabi.

"But, I don't want you to be friends with him..."

"Exton--"

"Huwag kang makipagkaibigan sa kanya, please..." Parang batang pakiusap niya at hinawakan ang kamay ko sabay hila sa akin palapit sa kanya.

"Hindi naman ata maganda kung biglang hindi ko na siya kikibuin, Exton. Kaya hindi madali iyang gusto mo."

"Do you like him?" Halos pabulong niyang tanong.

"Yes--"

"Tangina!" Putol niya sa akin.

Hinimas ko ang kanyang braso para pakalmahin siya. "Hindi mo naman ako pinatapos. Yes, I like him as a friend. But, romantically? It's a no."

He went silent for a bit. Pagkatapos ay hinila niya ulit ako para mayakap na niya ako. He rested his chin on my head and pulled me closer to him more.

Being Wet Behind EarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon