Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay naririnig ko na ang tawanan ng mga anak ko sa ma'y pool area. Paniguradong nilalaro na naman sila ng kanilang ama. Binati naman ako ng ilang mga kasambahay namin na nakakasalubong ko.
It's three pm now, and I just got home. Pumunta kasi ako ng salon kanina kasama si Martina. I wanted to pamper myself because I've been so stressed lately. Ilang ulit na kasi akong pinatawag sa Guidance dahil sa mga kalokohan ni Kairus sa eskwelahan niya. Ghad! Manang-mana talaga sa ama niya.
"Mom's finally home!" Sigaw ni Catriona.
I was crossing my arms while walking towards the pool area. Napatigil sila sa paglalaro at napalingon sa akin. Then Exton gave me a wink. Lumapit pa rin ako sa kanila para mahalikan ko isa-isa ang mga anak ko kahit basa pa sila. And I also gave Exton a peck on the lips.
"What are you guys still doing here? Magbihis na kayo." I told my kids.
"But, Mom..." Maktol ni Catriona.
"And you, Kairus Maddox, we still need to talk." I raised my brow at him.
"Okay, Mom." He nodded.
"Mom, I did something bad today." Mahinang sabi ng isa ko pang anak.
"What is it again, Braxton Euan? Hmmm?" I said while narrowing my eyes at him.
"I ate the whole chocolate cake inside the fridge, and I also broke a vase earlier." Nakayukong pag-amin niya. At napatingin naman ako sa ama niya na pinipigilan ang pagtawa.
I gasped. "I don't know what to do anymore with you, Braxton. At umahon na kayo diyan sa pool dahil kakausapin ko kayo isa-isa."
Then after that, I walked out. Kakauwi ko lang sa bahay pero sumasakit na naman ang ulo ko. Nagmana ang tatlo kong anak sa ama nila. Kaya naman, araw-araw na lang sumasakit ang ulo ko. But nevertheless, I still love my three kids. They're still my happiness.
Kairus is now ten years old while Catriona is now five years old. And lastly, Braxton Euan is now four years old. Isang taon lang ang agwat nila ni Catriona. And I could really say that I'm contented with my family right now. Wala na akong ibang mahihiling pa.
Being a Mother is no joke, especially sa tatlong makukulit kong mga chikiting. It requires a lot of patience. Dumadagdag pa ang ama nila.
"Baby," Tawag sa akin ni Exton pagkapasok niya sa loob ng kwarto.
"Heh! Maligo ka na nga muna sa banyo!" Irap ko.
He lifted his both hands. "Okay, baby. Chill!"
Humikab muna ako bago nagsimulang ayusin na naman ang kama namin. Paniguradong dito silang apat naglaro kanina dahil ang gusot ng kama namin at ma'y ilang laruan pa na naiwan.
Pagkatapos kong ayusin ang kama ay sakto ring natapos sa pagligo si Exton. We've been married for many years now but I still couldn't help but gawk at his body over and over again. He gave me a smirk before he went to our walk-in-closet.
And landi talaga.
Humiga na muna ako sa kama dahil ang sakit pa ng paa ko. Pagkatapos kasi namin pumuntang salon ni Martina ay nilibot pa namin ang buong mall. But I did not buy anything, sinamahan ko lang talaga si Martina. Alam niyo naman ang babaeng iyon, shopping is life.
Pagkatapos magbihis ni Exton ay sumampa na siya sa paanan ng kama. Inilagay ko naman ang paa ko sa kandungan niya at pinahilot ko muna sa kanya ang paa ko.
"Ba't mo pinakain kay Braxton ang buong chocolate cake kanina, huh?" Iritado kong sabi.
"Nilambing niya kasi ako..."
"So? Stop spoiling our kids, Exton Cole! Ilang beses na natin 'tong pinag-usapan." Padarag kong sabi.
"I'm sorry, alright." He sighed.
"You should be!" I hissed.
"I love you, baby..." He softly whispered before lowering his head just so he could give me a kiss.
Then I slightly pushed him. "Heh! Get away from me. Tawagin mo na nga lang si Kairus, kakausapin ko muna."
Naghintay muna ako ng ilang minuto bago siya nakabalik sa kwarto at kasama na niya si Kairus. Nakayukong lumapit sa akin si Kairus at umupo na rin sa kama, habang tinabihan naman siya ng kanyang ama. Sumandal ako sa headboard ng kama at pinagmasdan ang dalawa.
"Kai, ayokong matawag na naman ulit sa Guidance. This would be the last." I sternly told him.
"I'm sorry again, Mom." Naiiyak niyang ani.
"Oh, Kairus Maddox! I've been hearing that same line from you all over again. But fine, I'll give you another chance again. Be a good boy at school, okay? No more shenanigans."
"Yes po. I promise you that." He quietly responded.
"Kung mapapatawag ulit ako sa Guidance, ay hindi ko na itutuloy ang plano natin na pumuntang Denmark sa birthday mo." Pananakot ko sa kanya at gumana naman dahil biglang nanlaki ang kanyang mga mata.
"It won't happen again, Mommy!" Agap niyang sabi.
"Alright." I smiled.
BINABASA MO ANG
Being Wet Behind Ears
RomansaShe's young, can be easily fooled, and yes... Inexperienced. Then he met a man who wasn't born yesterday. Meaning, a well-experienced man and definitely not naive. ©November 2017 written in tagalog-english