Binitawan niya ang pagkakahawak sa baywang ko at lumangoy na paalis. Ano ba talaga ang problema niya sa akin? Bigla-bigla siyang lalapit sa akin tapos bigla na naman siyang maiirita? I just don't get him, alright. Nakaka-stress lang isipin. Bahala na nga siya sa buhay niya.
"Hi, Flynn!" Sigaw na bati sa akin ni Bruce habang kumakaway.
I waved back at him, too. "Hey! Kailan pa pala kayo uuwi?"
Hindi muna siya sumagot dahil agad siyang sumisisid at lumangoy papunta sa pwesto ko. Tinawanan siya ng mga barkada niya at kinawayan din nila ako.
"Bukas pa. E, kayo?" Sagot ni Bruce pagkalapit niya sa akin.
"Mamaya na." I smiled.
He nodded. "So... Saan ka nga pala nakatira sa CDO?"
"Uptown. Nasa isang subdivision lang naman kasi nakatira lahat ng mga kaanak ko rito sa CDO."
"Really? I'm from uptown, as well! Pwede pa naman pala tayong mag-hangout pagkarating natin sa CDO, diba?" Aniya.
Nasiyahan ako sa sinabi niya. "Of course, Bruce!"
"Can I get your digits later, then?"
I nodded. Dahil busy lahat ng mga kasama ko sa usapan nilang hindi ko alam ay itinuro ko na lang sila isa-isa at sinabi ang mga pangalan nila kay Bruce. At ang sabi niya ay kilala niya rin ang mga pinsan ko pero hindi pa raw sila nagkasabay.
Napatingin ako kay Exton na masamang nakatingin sa amin. Umiwas na lang ako nang tingin dahil hindi ko rin naman alam kung anong kinaiinisan niya.
Kinagabihan ay naghahanda na kami para makauwi. Tapos na ako sa pag-aayos ng mga gamit ko habang sina Hailey at Safire ay inaayos pa lang ang mga gamit nila.
Dahil hindi na naman ako pinapansin ni Exton ay sinabihan ko si Alexus kanina na sa kanila ulit ako sasabay. Tsaka baka mapahiya lang ako kung sa kanya ulit ako sasabay pauwi. E, klarong-klaro naman ang pagkairita niya sa akin.
"Tara na! Iiwan na nila tayo nito!" Natatarantang sigaw ni Safire.
Umirap si Hailey at tumayo na ako. Sabay kaming tatlong lumabas at naglakad palabas ng resort kung saan naghihintay na ang mga pinsan namin. Nadatnan naming umaandar na ang sasakyan ni Alexus kaya paniguradong nasa loob na sila. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid pero hindi ko naaninag ang sasakyan ni Exton. Baka umalis na.
"Tangina talaga! Ang tatagal ninyong kumilos!" Iritadong asik ni Devin.
"Tangina niyo rin! Dahil hindi kayo makapaghintay!" Hailey countered.
Tumawa kaming lahat sa loob habang si Devin naman ay sumimangot. Pagkatapos ay pinasibad na ni Alexus ang kanyang sasakyan.
"Kuya! Huwag ka ngang bumukaka! Lalo tayong nasisikipan rito sa backseat dahil sa ginagawa mo, e!" Reklamo ni Safire sa kapatid niyang si Devin.
"Dito ako komportable sa posisyong ito, apoy. Kaya huwag kang magulo." Sagot ni Devin.
"Wow, ha!" Inis na sigaw ni Safire.
Magulo kasama ang mga pinsan ko pero masaya. Hindi naman kasi parati kaming lahat nagkakasundo. Pero gayunpaman, ay mahal pa rin naman ang isa't-isa. We may not be vocal about it, but we do love each other.
Pagkauwi namin ay sa bahay nina Alexus at Atticus kaming lahat naghapunan. Tita Cathy prepared a lot of foods for us. Agad naming nilantakan ang mga pagkain na niluto niya dahil kanina pa kami gutom.
"Hindi niyo pa rin ba hinanapan ng boylet itong pinsan niyong si Flynn?" Tita Cathy playfully asked them.
"Naku, Tita! Ma'y dalawang boylet iyan! Depende na lang kung sino ang mas bet niya." Si Safire ang sumagot.

BINABASA MO ANG
Being Wet Behind Ears
RomanceShe's young, can be easily fooled, and yes... Inexperienced. Then he met a man who wasn't born yesterday. Meaning, a well-experienced man and definitely not naive. ©November 2017 written in tagalog-english