N I N E

1.8K 25 2
                                        

Pagkarating namin ni Trina sa loob ng club ay agad naming hinanap ang mga kaibigan namin. Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng club at hindi pa rin ako makapaniwala na nakapasok na ako rito. I am really here! Nagpapatianod lang ako kay Trina habang nakatingin pa rin sa paligid.

Pagkarating namin sa VIP section ay agad nanlaki ang mga mata ng mga kaibigan namin at tila hindi naniniwala na nakikita nila ako ngayon.

"Holy shit! Is that really you, Flynn!?" Nakanganga na tanong ni Paolo.

"Yeah..." Natatawa kong sagot.

Napahampas naman si Terrence sa lamesa. "It's really you! Anong bang nandoon sa CDO at pagkabalik mo rito ay natuto ka nang pumarty, huh?"

"Well, of course, nagpasama ako sa mga pinsan ko roon. Tsaka ang dami ring mga magagandang places doon kung saan pwedeng gumimik." Sagot ko at umupo na sa tabi ni Trina.

"I heard that there's a place there called...Lifestyle District, right?" Pag-aalinlangang tanong naman ni Martina.

I nodded. "Yes. Maganda roon."

"I'm gonna visit CDO soon. Gusto ko talagang puntahan ang Lifestyle District na iyan!" Deklara ni Martina.

"Oo nga. Punta tayo roon! And you're going to tour us around, Flynn." Segunda naman ni Terrence.

"Sure. Just tell me when." I smiled at them.

Sumandal na ako sa inuupuan ko at binigyan agad ako ni Trina ng isang shot ng tequila. And as expected, it still sucks. Hindi pa rin naman kasi ako sanay sa alak na ito. Ang palagi ko kayang iniinom sa CDO habang nandoon ako ay Smirnoff lang kaya.

I roamed my eyes around. Then, I grimaced when I saw a couple making out. Well, I'm not really sure if they are a couple. Hindi kasi talaga ako komportable sa tuwing ma'y nakikita akong mga ganyan. Hindi ko lang kasi maisip na mayroong mga babae na nakakaya nilang makipag make-out in public. I mean, nakakahiya iyon.

"Oh my ghad..." Halos pabulong kong sabi nang makita ang lalake na pinisil na ang pwet ng babae.

Narinig ata ako ni Trina kaya napalingon din siya sa kasalukuyan kong tinitignan. "That's normal, Flynn. Akala ko pa naman kung ano."

"Nakakagulat pa rin naman kasi." I shrugged my shoulders.

Iniwas ko na ang tingin sa kanila dahil kada segundo ay mas lalong nagiging wild lang sila. Hindi ko kayang tignan. Dang it! Ma'y ganyan ba talagang eksena parati sa loob ng isang club?

Sabay-sabay kaming napalingon sa kakarating lang na isa pa naming kaibigan. His eyes immediately widened when he saw me. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang buong mukha ko. Natatawa ako sa ginagawa niya kaya hinawi ko ang kamay niya.

"Neron! It's really me!" Natatawa kong sinabi.

"Whoah! This shit is unbelievable! Ang isang inosenteng Flynn ay nakikita ko ngayon sa loob ng isang club!?" Hindi makapaniwalang sigaw ni Neron.

"People change, Neron." Singit ni Martina sabay umirap.

"Hindi lang talaga ako makapaniwala! I'm going to order a lot of liquors tonight. We should celebrate this!" Tawa ni Neron.

At tinotoo nga niya ang kanyang sinabi. Dahil pagkatapos ng ilang minuto ay marami ng mga alak na nakalapag sa ibabaw ng table namin. Inakbayan ako ni Neron at sinabihan na kailangan kong lagukin ng sunod-sunod ang dalawang shot ng tequila. Umangal ako pero sa huli, ay napapayag niya rin ako. Makulit kasi talaga ang lahi nitong si Neron, e.

"Damn! I'm so proud of you, Flynn! I'm about to cry now." Malokong sabi ni Neron na dahilan nang pagtawa naming lahat.

Pumikit ako nang mariin dahil sa tapang ng ininom ko at sinuntok siya sa dibdib. Pagkatapos lang ng ilang minuto ay nangangalay na ang buong katawan ko. Nakatatlong shot na ako at hindi pwedeng dumami pa ang maiinom ko dahil madali pa akong malasing.

Being Wet Behind EarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon