T H I R T Y - E I G H T

1.4K 12 0
                                        

"Kai! Stop being so hardheaded!" Naiinis kong sigaw sa anak ko na kanina pa hindi nakikinig sa akin. Panay pa rin ang panunuod niya ng cartoon network.

"Kai, listen to your Mom. Stop stressing her." Exton told him in a baritone. Kakalabas lang ni Exton galing sa kusina.

"But, Mom...Dad..." He protested.

"Go take a shower, Kairus Maddox! Ma'y pupuntahan pa tayong family dinner ngayon. We can't be late!" Utos ko.

He nodded weakly before he stood up. Kumaripas siya nang takbo paakyat kaya muli akong napasigaw dahil ayaw na ayaw kong tumatakbo siya sa hagdanan. Exton went near to me before cupping my face.

"Stop stressing yourself. It's not good for the baby." Mahinang anas niya.

I rolled my eyes. "Iyan kasi, manang-mana ang anak mo sa'yo! Ang kukulit ng mga budhi ninyo."

"Ayan tuloy, napunta na sa akin ang sisi." Umiiling na sabi niya habang pinipigilan ang sariling huwag matawa.

"Talaga! Dahil hindi naman ako ganyan nung bata pa ako. I've always been a good child, masunorin ako noong bata pa ako."

"Ligo na tayo...?" Exton wiggled his brows.

And of course, hindi lang ang pagligo ang ginawa namin. We did more than that. But just one round. Dahil ma-lelate na talaga kami nito. Nakaka-relate na ako ngayon sa sinabi ni Martina sa akin noong bumisita sila rito, iyong tungkol sa pagiging horny niya palagi. Nakakainis din naman kasi 'tong si Exton e, masyado ring malandi.

After I told him that I was pregnant, ay nagpa check-up agad kami kinabukasan nun. At noong nag take ako ng PT ay three weeks na pala akong buntis nun, and...I'm four weeks pregnant now. Kaya ma'y magaganap na family dinner ngayong gabi kasama ang buong pamilya namin ni Exton, ay dahil sasabihin ko na sa kanila ang good news. Natagalan lang ng isang linggo dahil medyo busy pa silang lahat.

Kai still doesn't know that I'm pregnant. Si Hailey lang ang nakakaalam muna at siyempre, si Exton.

"Mom! What should I wear?" Tanong ni Kairus nang makapasok siya sa loob ng kwarto namin.

"Kai, nilapag ko na sa ibabaw ng kama mo. Iyong nakatupi. Hindi mo ba nakita?" Sabi ko.

"Ooops! Sorry, Mom!" He apologetically said before he went out.

Napailing na lang ako. "Hay naku, Kairus Maddox."

"Baby, nakita mo ba 'yung wrist watch ko?" Tanong sa akin ni Exton na kakalabas lang sa walk-in-closet namin.

"Nasa bedside table. Nilagay mo 'yun doon kagabi." Sagot ko.

"Oh, right!" Nagtungo siya sa bedside table at hinablot doon ang wrist watch niya. Sinuot niya ito habang nakakunot-noo.

"Hay naku, Exton Cole. Mag-ama talaga kayong dalawa ni Kairus. Palagi niyong hinahanap sa 'kin ang mga bagay-bagay." Umiiling na sabi ko habang sinusuklay ang aking buhok.

Mga alas singko ng hapon kami umalis sa condo building. Exton's parents will be hosting tonight's family dinner. Tinext ako ni Hailey at sinabihang kompleto na raw silang lahat doon. Kami na lang ang kulang.

"Ba't ang traffic na papuntang uptown?" Tanong ko kay Exton dahil nagsisimula na akong mairita.

"Marami na kasing nagsilipatan sa uptown, umiiwas na kasi ang mga tao sa baha. Tsaka mostly ng mga tao sa uptown ay ma'y mga sasakyan, kaya heto..." He replied while shrugging his shoulders.

"Dad, can I borrow your phone? I'm getting bored here." Nababagot na pakiusap ni Kai sa ama niya.

Ako na nag nag-abot sa phone ni Exton at ibinigay ito sa anak namin. Ilang sandali lang ay medyo umaabante na ang mga sasakyan. Buti naman. Hinilig ko muna ang aking ulo sa bintana ng sasakyan.

Being Wet Behind EarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon