"Happy birthday, Atticus! Here's your gift, by the way..." Bati ko sa aking pinsan at nilahad sa kanya ang regalo ko.
Kaagad niya itong binuksan habang nakakunot-noo. "Tangina, camera? Idadamay mo 'ko diyan sa pagiging Vlogger niyong dalawa ni Safire?"
Humagalpak ako at pinalo ang braso niya. "Of course, not! Regalo ko talaga 'yan sa'yo. Punuin mo iyan ng mga magagandang memories."
"But anyway, thank you." Kalaunan ay ngumiti rin siya sa akin at yinakap ako.
"Ano? Alis na tayo?" Tanong ni Devin habang nakatingin sa wrist watch niya.
"Uy sandali lang. Malapit na raw si Kuya Alexus, e. Hintayin na lang muna natin para ma'y driver tayo." Agap niyang sabi.
"Isa pa 'yan! Tangina, dalawang linggo ba namang nawala!" Sigaw ni Hailey.
"Ano ba talaga ang ginagawa ni Alexus sa Maynila, Atticus?" Kuryosong tanong ni Safire.
Nagkibit-balikat naman siya. "Ewan ko, ma'y inasikaso raw doon, e."
"Sinungaling," Umismid si Hailey.
Nasa bahay kaming lahat nina Hailey ngayon habang hinihintay sina Alexus at Exton. Pupunta raw kami ngayon ng Lifestyle e, sagot lahat ni Exton. Iyon na lang daw ang regalo niya kay Atticus.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na si Alexus at laking gulat naming lahat nang makitang ma'y kasama ito. Lalong-lalo na ako dahil ang kasama niya ay walang iba kung hindi si...Martina! My eyes darted at their entertwined hands. Oh my ghad, don't tell me?
"Martina? What the hell?" Bulalas ko.
Humagikhik siya at tumakbo papunta sa akin. Yinakap niya ako nang mahigpit at pagkatapos ay bumulong sa tainga ko. "Hello there, Flynn. Your cousin was my unexpected plot twist this 2018. O hayan, nasagot ko na rin ang tanong mo pagkatapos ng ilang weeks."
Kumalas ako mula sa pagkakayakap naming dalawa at palipat-lipat ang tingin kina Martina at Alexus. All my cousins' jaws were still dropped, they couldn't even utter a word. Sina Martina at Alexus? How? When?
"Oh my ghad," Iyon lang ang tanging lumabas sa bibig ko.
Tumawa siya at lumapit ulit kay Alexus. Then my cousin introduced her to our cousins. And guess what? Sila na pala!
"Palihim ka lang talaga gumalaw, Alexus! Ginimbal mo kaming lahat, a!" Sigaw ni Devin.
"Kaya pala two weeks kang nawala..." Nakataas-kilay na sabi ni Hailey.
Biglang bumalik sa isip ko lahat ng mga in-upload na mga photos ni Martina sa kanyang Instagram account. Sa tatlong litratong iyon ay alam ko ng ma'y karelasyon na siya pero malayo naman sa isipan ko na si Alexus pala ang boyfriend niya!
Sa first photo ay sa mukha ni Martina nakaharap ang camera habang ma'y kahawak itong kamay sa ilalim ng photo. Kaya pala medyo pamilyar sa akin ang relos ng lalake sa photo, naisuot nga pala ni Alexus 'yun ng isang beses. Sa second photo naman ay nakahalik si Alexus sa noo niya pero hindi kita ang buong mukha ni Alexus dahil hanggang baba lang ang kinuhaan. At ang huli ay, magkahawak-kamay sila habang nagmamaneho si Alexus.
Damn! Bakit hindi ko namalayan na ang pinsan ko na pala 'yun!?
"Whoah, Alexus..." Manghang sabi ni Exton pagkapasok niya sa loob ng bahay nina Hailey at pinasadahan nang tingin si Martina. "Grabe ka, Alexus. Inuwi mo kaagad dito sa Cagayan De Oro si Martina!"
"Tss! Shut up." Inis na sagot ni Alexus.
"Teka, teka, teka...alam mo lahat ng 'to, Exton?" Tanong ni Atticus. "E, ako nga na kapatid ni Kuya ay walang alam tungkol dito!"
BINABASA MO ANG
Being Wet Behind Ears
Storie d'amoreShe's young, can be easily fooled, and yes... Inexperienced. Then he met a man who wasn't born yesterday. Meaning, a well-experienced man and definitely not naive. ©November 2017 written in tagalog-english