T W E N T Y - F I V E

1.3K 17 0
                                        

"Flynn, you're not done yet?" Alexus groaned while pulling the cart.

"I'm almost done. Patience, Alexus..." Inirapan ko siya at inabot ang ice cream para ma-ilagay ko na ito sa cart. "Kaya palagi kayong nag-aaway ni Martina e, dahil napaka-ikli ng pasensya mo."

"Sino ba naman ang hindi iikli ang pasensya kapag sinasama niya ako sa tuwing nagsha-shopping siya, huh? Four hours, Flynn! Four hours!" Suminghap siya habang umiiling.

"Well, wala ka rin namang magagawa dahil kung magrereklamo ka ay walang sexy time na magaganap sa inyong dalawa." I laughed.

"Exactly! Pasalamat talaga ang babaeng 'yun dahil sobrang mahal ko siya." He sighed.

"Sus, kung nandito pa 'yung si Martina ngayon ay paniguradong malulusaw 'yun dahil sa kakiligan."

"Yeah,"

I checked the cart if I already got all the things I needed. Nang masigurado kong okay na lahat ay binayaran ko na ang mga ito. Pagkatapos ay dinala na namin ito ni Alexus papuntang parking area para makauwi na kami. I'm excited to go home.

While Alexus was driving, my phone kept on ringing. Inabot ko ito at sinagot ang tawag.

"Yes? I'm on my way home already." Pambungad ko.

"Baka nakalimutan mo ang ice cream, a?" Tanong niya.

"Hindi, noh. Ako pa ba? Hindi pwedeng makauwi ako diyan na walang dalang ice cream." Sagot ko habang inaayos ang aircon ng sasakyan na nasa bandang harapan ko.

"Okay. I'll hang up now, see you in here." Paalam niya bago binaba ang tawag.

I turned on the stereo and a certain song caught my attention.

3 A.M. and my neighbors hate me
Music blasting, shaking these walls
This time Mary Jane won't save me
I've been working later, I've been drinking stronger
I've been smoking deeper but the memories won't stop

I can't stop thinking 'bout you
I can't stop thinking 'bout you
I can't get high, I can't get by, I can't get through
I can't stop thinking 'bout you

Like poison coursing through me
Soaking, my vision is blurred
The haze won't put my mind at ease
I've been sleeping later, I've been breathing stronger
I've been digging deeper but the memories won't stop

I can't stop thinking 'bout you
I can't stop thinking 'bout you
I can't get high, I can't get by, I can't get through
I can't stop thinking 'bout you

Hindi pa natapos ang kanta ay pinatay ko na ito. Humalakhak nang napakalakas si Alexus dahil sa ginawa kong iyon. I creased my forehead at him, puzzled as to why he was laughing.

"Affected sa kanta, Flynn?" Ma'y bahid na panunuya sa boses niya.

"Oh, shut up!" Tanging sagot ko lang.

"Balikan mo na kasi,"

"Sa tamang panahon. Hahayaan ko munang humupa kahit konti lang ang galit niya para sa akin." Bumuntong-hininga ako dahil pakiramdam ko ay sumisikip ang puso ko.

Alexus shrugged his shoulders. "Mawawala rin ang galit nun kapag pinakilala mo na sa kanya ang malaking regalo mo sa kanya."

I chose to be silent. I haven't decided yet. Hindi madali sa akin itong pagdedesisyonan ko. Nang makarating na kami sa bahay ay lumabas na kami ng sabay sa kotse. Tumungo kami sa likod at doon kinuha ang mga binili kong groceries. Naglakad na kami ni Alexus papasok ng bakuran at nag doorbell ako.

Being Wet Behind EarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon