T W E N T Y - S I X

1.3K 11 0
                                        

"Mommy! I am so excited for tomorrow!" Sigaw ni Kairus habang tumatalon pa sa kama namin.

I looked at him horrifyingly. "Kairus Maddox! Mahuhulog ka niyang ginagawa mo! Behave!"

Kaagad naman siyang tumigil at umupo na lang sa kama. "Is Daddy excited to see me, Mom?"

"I think so," Tanging sagot ko at isinara na ang maleta ni Kai.

"I bet he's gonna be the coolest Daddy ever!"

Nakapaywang na hinarap ko ang mga dadalhin naming mga gamit. Tinignan ko ang paligid ng kwarto namin baka kasi ma'y nakaligtaan pa akong importanteng bagay na hindi ko naisilid sa loob ng maleta namin.

"You sleep now, Kai. Maaga pa tayo bukas." Utos ko sa kanya at nilapitan siya para mahalikan sa pisngi.

"Okay, Mom. I love you and good night."

"I love you, too. Sleep tight, Kai."

Lumabas muna ako sa kwarto at bumaba ng hagdan para makapunta ako ng kusina. Bahagya pa akong nagulat nang makitang nandoon din pala si Neron habang nagkakape. Napatingin siya sa akin at inalok akong magkape, at nang tumango ako ay agad siyang tumayo para ipaghanda ako ng kape.

"Are you done packing your things?" I softly asked.

He nodded. "Yup. Tulog na ba si Kai?"

"Oo. Pinatulog ko na dahil maaga pa tayo bukas."

Inilapag niya sa harapan ko ang kape na inihanda niya at agad ko itong sinimsim. Umupo siya pabalik sa tabi ko.

"You're nervous, aren't you?" Tanong niya.

"Honestly, yes." Sagot ko at sumandal sa backrest ng upuan.

Kinakabahan ako sa anong magiging reaksyon ni Exton. He loathed me. So, I'll be expecting his wrath towards me. Napatingin ako kay Neron na biglang tumahimik habang sumisimsim sa kanyang kape. This guy right here, has been with us for the past years. Siya ang tumayong ama kay Kairus. So, I owe him a lot. But I only like him as a friend. Hindi kailan man humigit pa roon ang tingin ko sa kanya. Plus, I still love Exton so much. Walang makakapantay sa kanya.

Kinabukasan ay maaga akong gumising para ipagluto sila at maghanda. Habang nagluluto ako ay biglang dumating si Alexus sa kusina na papungas-pungas pa. He yawned and drank some water from the fridge.

"Timing ang pagdating natin sa Pilipinas dahil birthday ni Devin." Panimula niya.

"Oo nga pala!" Sagot ko. Nakalimutan ko pang bumili ng regalo para sa pinsan ko.

"So it means...Exton would be there." He carefully informed me.

Napatigil ako saglit sa pagluto. Of course, he would be there! Hindi naman siya galit sa mga pinsan ko, sa akin naman siya galit. Pero handa na ba talaga akong makaharap siya? I don't think so...

"Gusto ko sanang mag-usap muna kami bago ko ipakilala si Kairus sa kanya."

He nodded. "Ikaw bahala."

Pagkatapos kong magluto ay umakyat na ako sa taas para gisingin sina Kairus at Neron. Nahirapan pa ako dahil pareho silang tulog mantika. Una kong nagising si Kairus kaya bumaba agad siya, habang ako naman ay dumiretso sa kwarto ni Neron para gisingin siya.

Inakbayan ako ni Neron habang pababa kami ng hagdan, kaya nang makarating kami sa kusina ay masamang tinignan ni Alexus ang kamay ni Neron na nakaakbay sa akin. Palihim kong pinandilatan ng mga mata ang pinsan ko dahil baka awayin na naman niya si Neron.

"Mom," Untag sa akin ni Kairus.

"Hmmm?"

"Baka nakalimutan mong dalhin 'yung drone ko." Sabi niya.

Being Wet Behind EarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon