T W E L V E

1.7K 18 1
                                        

"Wake up, Flynn! Jusko naman, anong oras na! Iyan kasi, masyado kang lumandi kagabi kay Exton!" Bulalas ni Hailey.

I groaned and tried to open my lazy eyes, but I failed to. Mabigat pa rin ang talukap ng mga mata ko. Dumapa ako at binaon ang aking mukha sa unan. I groaned again when Hailey harshly slapped my butt.

"Just give me a few minutes." I mumbled.

"Bahala ka na nga diyan! Kakain na kami ng lunch ni Safire. Sumunod ka na lang kung ayaw mong mamatay sa gutom." Bulyaw ni Hailey bago ko naramdaman ang pag-alis nilang dalawa.

Kinapa ko ang aking phone sa side table ng kama at binuksan ang isa kong mata para matignan kung anong oras na. And to my horror, it's almost 12:00 pm already. Pero kahit ganoon ay pinili ko pa ring matulog pa ng kahit konti lang.

Then, I woke up after thirty minutes. Umupo muna ako sa kama dahil hinalungkat ko muna sa isipan ko kung anong nangyari kagabi. Ang tagal naming bumalik rito sa hotel. We stayed 'till 3:00 am. Wala lang naman kaming ibang ginawa kundi ang mag-usap ng mga kung ano-ano. And...make out, too. Namula tuloy ang pisngi ko.

I got to know him even more last night and vice versa. He was intimate and touchy last night, pero hindi na ako masyadong naiilang. Hindi pa rin matanggal ang ngiti sa labi ko kahit napakapasok na ako sa loob ng banyo para makaligo. I prefer to have a cold shower, para maalis na rin 'tong kaantokan ko.

Pagkatapos kong maligo ay nagmadali akong magbihis. I am really hungry, to be honest. I haven't eaten anything yet. I was busy blowdrying my hair when someone knocked on the door. Tumigil muna ako at naglakad papunta sa pinto.

"Anong oras na pero hindi ka pa kumakain." Pambungad sa akin ni Exton.

Niluwagan ko ang pinto para makapasok siya. Naglakad muna ako papunta sa harap ng salamin para ipagpatuloy ang pagpapatuyo sa buhok ko. Habang siya naman ay umupo sa kama ko.

"After this, I'm going to eat na. Ikaw? Kumain ka na?" I asked him softly.

"I was waiting for you." Sagot niya sabay tumayo at nilapitan ako.

"Hindi mo na sana ako hinintay. Iyan tuloy, nalipasan ka na rin dahil sa akin." I remarked while frowning. Pero nabigla ako nang agawin niya sa akin ang hawak kong hair dryer.

"Let me do it for you..."

I was dumbfounded and couldn't talk. Hindi makapaniwalang tinitigan ko siya sa salamin habang nakakunot-noo siyang pinapatuyo ang buhok ko. He was so careful. Na para bang isang maling galaw lang niya ay ma'y mangyayaring masama na sa akin.

And again, hindi ko kailan man naisip din na gagawin ito ni Exton sa akin. Kaya hindi maiwasang hindi uminit ang puso ko dahil sa ginawa niya. I'm so lucky to have him. I'm so lucky to call myself his girlfriend.

"Done. Ang galing ko, diba?" Proud niyang sabi kaya napatawa ako.

"Yes. Thank you."

"I blowdried your hair, baby. Wala ba akong halik diyan?" Parang batang sabi niya.

"Ma'y kapalit pala iyon?"

"Huwag na nga lang."

Tinalikuran niya agad ako kaya hinabol ko siya at pinihit siya paharap sa akin. I tiptoed to give him a peck on the lips. Doon lang siya ngumiti sa akin.

"O, ayan pinagbigyan na kita. Kain na tayo." Pagyayaya ko sa kanya at sabay na kaming lumabas.

Sa hotel lang kami kumain ng lunch para kaming dalawa lang daw. Sinamahan niya akong pumili ng pwedeng kakainin ko pero napapasimangot naman ako dahil dinadagdagan niya ng mga pagkain ang pinggan ko. Umaangal ako pero palagi niyang sinasabi na hindi naman daw ako kumain ng breakfast kaya okay lang 'yun.

Being Wet Behind EarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon