F O U R

1.8K 21 0
                                    

Kinabukasan ay sobrang sakit ng katawan ko at madami pa akong natamo na mga pasa. Na hindi ko naman alam kung saan nanggaling. I woke around 3:00 pm. Binabad ko ang aking sarili sa bathtub ng isang oras at umidlip konti. I was that tired. Alas tres na kasi ng umaga kami nakauwi kanina.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay sinilip ko si Hailey sa kwarto niya. Wala siya sa kanyang kama pero ma'y naririnig akong rumaragasang tubig sa loob ng banyo niya. Lumapit ako roon at humilig sa pintuan ng banyo.

"Hailey! Tuloy pa ba tayo?" Sigaw na tanong.

Hindi pa siya sumagot at pinatay niya muna ang shower niya. "Oo! Tinawagan ako ni Safire kanina!"

"Okay!"

Lumabas na ako sa kwarto niya at tumungo sa guest room, kung saan ako natutulog. Nagbihis ulit ako para sa lakad namin mamaya. Malay ko ba namang matutuloy pa ang lakad namin e, alam ko namang sobrang patay na patay pa 'yung mga pinsan ko. Ang dami kaya nilang na-inom kagabi!

Napa-iling na lang ako dahil wala talagang kapaguran ang mga pinsan ko. Tuloy pa rin kasi ang Festival dito sa Cagayan De Oro.

Hinanap ko ang lipstick ko at tumungo na sa harap ng salamin. Habang naglalagay ako ng lipstick ay bigla akong napatigil. Hinaplos ko ang aking labi habang inaalala ang pangyayari kagabi sa rave party.

After we kissed last night, ay bumalik na kami sa pwesto ng mga pinsan ko. It was really awkward for me, though. I gave him my first kiss. At siya ay parang wala lang. Kinakausap niya ako na para bang hindi siya ang kumuha ng first kiss ko. He acted so civil and relaxed last night. But, I noticed that he was a bit touchy last night.

Pero hindi ako naghinayang na sa kanya ko na ibigay ang first kiss ko. He made my first kiss unforgetable and memorable. His kisses were soft and gentle. Pinilig ko ang aking ulo para maiwala ang nasa isip ko.

Ba 'yan! Si Exton na naman ba ang nasa isip mo, Flynn Atascha?

At hindi na rin ako magugulat kung kasama na naman namin siya mamaya. Kaya hinahanda ko na ang aking sarili kung sakali mang magtagpo ang landas namin mamaya. I should act normal.

Pagkatapos kong ayusin ang aking sarili ay inayos ko muna ang buong kwarto, sinigurado kong walang kahit na isang kalat. I decided not to bring a bag again because it would be hassle for me. I just grabbed my phone and a few cash. Sinilid ko ito sa loob ng bulsa ng shorts ko bago ako bumaba.

"Nasa labas na sila, Flynn." Imporma ni Tita Alice sa akin pagkarating ko sa living room. Nilapitan ko siya at hinalikan sa pinsgi.

"Bye, Tita!"

Pagkalabas ko sa gate ay nadatnan kong umaandar na ang sasakyan ni Alexus. Baka nasa loob na silang lahat kaya binuksan ko na ang pintuan ng front seat at pumasok sa loob.

"Ma'y energy pa rin kayong gumala?" Natatawang tanong ko pagkatapos ipinasibad ni Alexus ang kanyang sasakyan.

"Anong tingin mo sa amin, Flynn? Mga weak? Hah! That's so not us!" Sagot ni Devin.

Napatawa na lang kaming lahat sa sinagot ni Devin. Hindi kami bumaba sa downtown kasi sa SM uptown magaganap ang Pyro Festival. Para siyang contest ng mga fireworks. Kung sino ang mas pinakamaganda na fireworks ang siyang mananalo.

Madali lang kaming nakarating sa SM uptown dahil medyo malapit lang ito sa subdivision. Sabay-sabay kaming lumabas at nakalapag na pala ang comforter ni Alexus sa likod ng kanyang pick-up. Kami nina Hailey at Safire ay umupo agad doon habang ang mga lalake naman naming mga pinsan ay nakatayo lang at nakasandal sa pick-up.

Ang daming tao sa buong lugar. Ang labas ng SM uptown ay puno ng mga sasakyan at mga tao. SM uptown has a wide open space. Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang Pyro Festival.

Being Wet Behind EarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon