T H R E E

2.3K 25 1
                                        

"Ba't ang tagal ninyo? Mga babae nga naman, ang tagal kumilos!" Naiinis na utas ni Atticus pagkapasok namin nina Safire at Hailey sa loob ng pick-up ni Alexus.

Sa front seat ulit ako naka-upo, habang iyong mga pinsan ko ay nasa backseat. Pinasibad na agad ni Alexus ang sasakyan. Bumaling ako sa backseat at nadatnang pinapalo ni Safire ang braso ni Atticus.

"Palibhasa, kayong mga lalake ay walang urimos na ginagawa! Kaming mga babae? Ang dami!" Asik ni Safire.

"Tss. Tumahimik ka nga, apoy. Nakakairita iyang boses mo." Singit ni Devin.

"Sabing huwag niyo akong tawaging ganyan, e! I am Safire. Safire. Safire." Ulit niya pa.

"O, ano ngayon? Your name is spelled as S-A-F-I-R-E. Ang dulo ay fire. Ang tagalog ng fire ay apoy." Umikot ang mata ni Devin.

Napatawa kami sa loob maliban lang sa kanilang dalawa.

"You are so mean! Sana talaga ang ipinangalan ni Mommy sa'yo ay Devil, hindi Devin! Dahil pang demonyo iyang ugali mo!" Safire countered.

Humalakhak si Devin bago pinitik ang noo ni Safire. "Ang luma na niyan, apoy. Wala ka na bang bagong pang-asar?"

"Ugggghhh! Tse!" Frustrated na sigaw ni Safire at sinabunutan ang buhok ni Devin.

Nagpa-ulan ng mura si Devin dahil sa ginawa ni Safire at kaming lahat ay napahalakhak na lang sa immaturity nilang dalawa. Sila na nga lang dalawa ang magkapatid pero nag-aasaran pa. Umayos na ako nang upo at binaling ang atensyon sa daan. Gabi na kaya kitang-kita ang lights sa downtown area.

"Bakit ba dumaan tayo rito sa Rotonda, Alexus? Na-traffic tuloy tayo! Ang daming tao at sasakyan, o!" Naiinis na pahayag ni Hailey habang tinuturo ang daan.

"Dito ko dadaanan ang ticket natin doon sa rave party. Kung hindi tayo dadaan dito, edi hindi tayo makakadalo sa rave party na pupuntahan natin!" Sagot naman ni Alexus bago ipinark sa gilid ang kanyang pick-up.

"Hindi mo naman sinabi! Sige na, kunin mo na 'yung mga tickets natin." Sabi ni Hailey.

Inismiran niya si Hailey bago siya lumabas ng sasakyan. Tinanaw namin siyang naglakad patungo sa isang pwesto at ma'y kinausap na babae.

Hinagod ko nang tingin ang sinasabi nilang Rotonda. It was so crowded. Halos ang mga tables ng bawat stalls ay nasasakop na ang mga kalsada. Ma'y nakikita pa akong magbabarkada na nag-iinuman na lang sa loob ng kanilang sasakyan at iyong iba pa ay nasa kalsada na lang. Kaya traffic dahil hirap makalusot ang mga sasakyan sa daan dahil sa dami ng tao.

Higalaay Festival ngayon. Kaya marami kang nakikitang mga tao na nagsasayahan. First time kong maka-experience ng Higalaay Festival. And I am so excited. Nakakatuwa ang daming tao ngayon sa kalsada.

Pagkapasok ni Alexus sa loob ng sasakyan ay padarag niyang ibinigay kay Hailey ang mga tickets namin. Pinasibad niya rin naman agad ang sasakyan.

"Walo ang ticket na binili mo. So... Caspian and Exton are joining us?" Pagtatakang tanong ni Hailey pagkatapos niyang binilang ang ibinigay ni Alexus sa kanya na mga tickets.

Napatigil naman ako sa pagkakalikot sa phone ko.

"Yup. Pero mamaya pa ata ang mga gagong 'yun. Basta sinabi lang sa akin ni Exton na ipagbili ko rin sila ng tickets." Kibit-balikat na sagot ni Alexus.

Two weeks. Dalawang linggo na ang nakalipas simula noong ni-replyan ko siya ng nakakahiyang text! I sounded like a jealous and bitter girlfriend! Halos gusto kong saktan ang sarili ko dahil sa nakakaloka kong ginawa.

After that incident, hindi ko na siya pinapansin. Mailap na ako kumbaga. In the past days, seeing him was inevitable. He's close to all my cousins. Palagi kong nararamdaman na tinitignan niya ako pero hindi ko siya tinatapunan nang tingin. Dahil sobrang nahihiya ako sa inakto ko last time!

Being Wet Behind EarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon