T H I R T Y

1.4K 13 1
                                        

Hindi ako masyadong nakatulog. Una, dahil naninibago pa ako. Pangalawa, hindi maalis sa utak ko ang ginawang kababalaghan namin ni Exton habang naliligo ang anak namin sa loob ng banyo. At pangatlo, dahil magkatabi kaming dalawa ni Exton.

Mga alas onse na ng gabi natapos sa pag-uusap ang mag-ama, dahil ang daming kwento sa kanya ni Kairus. I was just listening to them all throughout. Hindi ko maiwasang hindi sila kunan ng stolen shot habang nag-uusap.

I woke up around seven am in the morning. I need to prepare their breakfast. Nagluto ako ng usual breakfast, like...bacon, eggs, fried rice and hotdogs. Napansin ko ring konti na lang ang stocks ni Exton sa loob ng fridge niya, I should tell him that we'll do grocery shopping. Maybe today or tomorrow.

Pagkatapos kong ayusin ang lamesa ay kinuha ko na ang fresh milk na nasa loob ng fridge. Nilagyan ko pareho ang baso nilang dalawa. I was smiling the whole time I was preparing our breakfast, I feel like I'm a thoughtful wife, though.

We could've been married for how many years now, kung hindi lang talaga ako tanga at uto-uto noon. I smiled bitterly.

Umakyat na ako sa taas at pumasok ulit sa loob ng kwarto. Exton was shirtless, he's only wearing his boxers. Isa iyan sa mga rason kung bakit hindi naging komportable ang pagtulog ko kagabi. Una kong tinapik ang balikat ni Exton pero umungol lang siya.

"Wake up," I repeated, and now I'm shaking his body lightly.

He opened his right eye. "What?!"

"Breakfast time." Sagot ko at halos umirap sa iritado niyang tingin sa akin.

I get it, alright. Nakakabadtrip naman talaga sa tuwing ginigising ka kahit gustong-gusto mo pang matulog. Pero ako nga e, gumising pa rin ng maaga para ma-ipaghanda lang ng breakfast 'tong dalawa.

Humihikab na umupo si Exton sa kama at ginulo ang magulo na niyang buhok. Iritado talaga si Senyor. Tinapik ko na rin si Kairus at ilang ulit ginising bago niya iminulat ang kanyang mga mata.

"Mom! It's too early." Maktol niya.

"I agree, son." Sabi naman ni Exton.

Nakapamaywang na hinarap ko ang dalawa. Gumapang si Kairus papunta sa kanyang ama at sa kandungan ni Exton umupo. Pareho nila akong tiningala at tinaasan ko sila ng kilay.

"It's not my fault kung bakit late kayo natulog kagabi, pwede namang mag-usap kayo kinabukasan, diba? At ako rin naman, a? I slept late last night, too. But guess what? I woke up very early just so I could prepare our breakfast. Kaya tumayo na kayo diyan bago pa lumamig ang mga pagkain na niluto ko."

"Tss!" Exton snorted before he stood up while carrying Kairus.

Sabay na kaming bumaba at tumungo sa kusina. Magkatabi ang mag-ama habang nakaupo naman ako sa tapat nila. They scanned the foods I prepared.

Pinagsilbihan ko na si Kairus at nilagyan ng mga pagkain ang pinggan niya. Hindi pa ako tapos sa paglalagay ng fried rice ay kinagat na ni Kairus ang bacon niya at masayang nginunguya ito. Food really makes him happy. I think, tayo namang lahat. Kapag in love tayo, kakain tayo. Kapag broken hearted tayo, kakain tayo. Kapag masaya tayo, kakain tayo. Kapag malungkot tayo, kakain tayo. Kapag stress tayo, kakain tayo. Kahit ano mang kaganapan natin sa buhay ay kakain pa rin tayo. Happy or not.

"Son, I have a question...pinagsisilbihan ba ng Mommy mo si Neron?" Tanong ni Exton sa kanya.

Napatigil ako sa paglagay ng mga pagkain sa sarili kong pinggan. Bakit niya ba palaging sinasali si Neron sa usapan?

"Opo, Daddy." Inosenteng sagot ni Kai.

Binalingan ako ni Exton. "O, bakit pagdating sa akin ay hindi mo 'ko pinagsisilbihan? I am the Father of our child--"

Being Wet Behind EarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon