E L E V E N

1.9K 31 1
                                    

"What the fuck!" Halos sabay-sabay na sigaw ng mga pinsan ko. Well, except for Alexus.

Pinagtapat ko na sa kanilang lahat ang tungkol sa amin ni Exton. Hindi ko pa sana sasabihin pero dahil nga nagpost ng picture si Exton kagabi ay agad nila akong sinugod sa bahay nina Hailey. They demanded an explaination of what's happening. I was cornered so, I don't have a choice but to spill the beans.

Pero ang ipinagtaka ko ay ngumingiti lang si Alexus. Wala siyang OA na reaction, kagaya ng iba pa naming mga pinsan. Nakaupo lang siya at nakikinig lang sa amin.

Kinaladkad nila ako papunta sa bahay nina Alexus at Atticus kanina. Kaya nandito kaming lahat ngayon sa living room ng bahay nila. Kami lang kasi ang nandito dahil magkasamang umalis sina Tita Cathy, Tita Alice and Tita Trinity.

"But please, sa atin muna ito. Naghahanap lang ako ng tiyempo kung kailan ko sasabihin sa buong pamilya natin." Pakiusap ko sa kanila.

They all nodded. Hindi ko pa kasi talaga alam kung paano sasabihin ang tungkol sa amin ni Exton sa buong pamilya ko. Especially, to my parents. Tapos kakapayo lang sa akin ni Tita Alice, but what did I do? Naging kami pa ni Exton! My ghad!

"I need a drink. Nagulantang talaga ako sa rebelasyon mo, Flynn!" Atticus shouted before he stood up and walked away.

"Tangina! E, gusto ko ngang sumuka kagabi dahil sa caption ng post niya! Sinapian ata ng ibang tao si Exton." Humalakhak si Devin.

"Sinabi mo pa!" Segunda ni Hailey.

"But, I'm happy for you, Flynn. He's your first boyfriend. Finally, nagka-boyfriend ka na." Tumawa si Safire.

"Ano kayang magiging reaskyon ni Tito Romanus? Exton's gonna be so dead!" Si Devin.

"O, Alexus? Ang tahimik mo? Wala ka bang masasabi diyan? E, nakakagulat ang sinabing rebelasyon ni Flynn!" Puna ni Hailey at tinapunan pa ng throw pillow si Alexus.

"I have nothing to say, anyway. I already saw this coming." He chuckled. "But, I'm really happy for them."

"Who wants to drink with me?" Biglang sulpot ni Atticus habang ma'y dalang bote na ang pangalang nakalagay ay Jack Daniels.

"Tinatanong pa ba iyan?" Tumawa si Hailey.

"Are you guys for real? Alas dos pa lang ng hapon pero mag-iinom na kayo?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanila.

"Walang oras-oras sa mga taong lasenggero!" Sigaw ni Devin at lahat sila ay humagalpak.

Kaya nagsimula na naman silang uminom. Napailing na lang ako sa kabaliwan ng mga pinsan ko. Binigyan nila ako ng isang shot, gusto ko sanang tumanggi pero pinilit talaga nila ako.

"What's going on here?" Pumasok bigla si Exton habang nakakunot ang noo. Lahat kami ay napalingon sa gawi niya.

"Gago! Lumayas ka rito!" Sigaw ni Atticus.

"Ma'y lihim ka pa lang pagnanasa sa pinsan namin!" Ani Devin.

Sabay-sabay na tumayo sina Devin at Atticus sabay pabirong sinuntok si Exton. Napangiwi si Exton at nagsusumamong tumingin sa akin, kaya napatawa tuloy ako.

"Alexus! Tumayo ka diyan! Pagtulongan nating gulpihin itong si Exton!" Si Devin.

Tumayo na ako at nilapitan si Exton sabay nilayo siya sa mga pinsan ko. "Okay, that's enough. Para namang hindi niyo 'to kaibigan."

Exton snaked his arm around my waist and planted a kiss on my forehead. "Seryoso ako sa pinsan niyo. At kahit tutol pa kayo sa amin, wala rin naman kayong magagawa."

Being Wet Behind EarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon