F I V E

1.8K 23 1
                                        

"Damn it! Nakakapatay naman masyado itong workout kong ito ngayon!" Naiiyak na sigaw ni Safire habang humahangos.

Tumawa kaming dalawa ni Alexus. Kaming tatlong magpipinsan lang ngayon ang pumarito sa gym dahil mayroong mga kanya-kanyang lakad ang iba pa naming mga pinsan. Maaga kami rito sa gym kanina at dalawang oras na kaming narito.

"Bakit ba kasi pinapatay mo ang sarili mo sa ganyang klaseng workout?" Natatawa kong tanong.

"It's because of you, duh! I so envy your body, Flynn! Kaya, thanks to you! Dahil mas inspired akong mag workout ngayon!" Sagot niya.

"Ayun naman pala, e. Dinamay mo pa kami rito." Umiiling na sabi ni Alexus.

"Shower lang ako. Kanina pa ako nagpapahinga, e." Paalam ko at tumayo na mula sa pagkakaupo.

Hindi na sila sumagot dahil busy sila sa pag wo-workout. Mabilis lang akong nag-shower at pabalik na sana ako sa pwesto ng mga pinsan ko ng mayroong biglaang humarang sa akin.

"B-Branson!" Gulat kong bati sa kanya.

Kakapasok niya lang sa gym habang ma'y dala-dalang gym bag. Gwapo si Branson. Matangkad at malaki ang pangangatawan. He has foreign features. He's friendly, too.

"Flynn! Nice to see you here! You're with your cousins? Where are they?" He asked happily.

I pointed my cousins' direction. "Kaming tatlo lang ang pumunta rito. Our other cousins were doing some errands."

"Oh, I see. Can we talk for a bit? Mamaya na lang ako magwo-workout." Ngumiti siya sa akin.

"O, sige ba!" Masaya akong tumango.

Nabigla ako nang inakbayan niya ako pero agad ko ring binawi ang naging reaksyon ko. Wala lang naman itong akbay niya sa akin. But still, it shocked me. Walang ibang lalakeng nakaakbay sa akin bukod sa mga pinsan kong lalake.

Sabay kaming tumungo sa pwesto nina Safire at Alexus. Sinalubong siya nang yakap ni Safire kaya napabitaw siya mula sa pagkakaakbay sa akin, habang pabirong sinuntok naman siya ni Alexus sa balikat.

"Ma'y ipapakilala nga pala ako sa'yo, Alexus." Panimula ni Branson.

Kumunot ang noo ng pinsan ko. "Huh? Sino na naman iyan?"

"Isang maganda--" Hindi na natapos ni Branson ang sasabihin niya sana dahil agad itong pinutol ni Alexus.

Umikot ang mga mata ni Alexus. "Stop that bull, Branson. Ilang babae na iyang pinapakilala mo sa akin kaya tumigil ka na. Hindi ako interesado sa mga babaeng pinakilala mo sa akin."

Humalakhak si Branson. "You sure? Napakamaganda nitong babaeng ipapakilala ko sana sa'yo. Sayang naman kung tatanggihan mo ang grasya."

Alexus snorted at him.

"Sunggabin mo na iyan, Alexus! Pang last na iyan!" Singit ni Safire.

"Sino ba iyan?" Iritadong tanong ni Alexus kay Branson.

"Pinsan ko galing London. Sumama sa akin noong umuwi ako rito sa Pilipinas, e." Sagot niya.

"Uulitin ko, hindi ako interesado diyan sa ipapakilala mo." Sabi ni Alexus at tinalikuran na kami.

"Hay naku! You're going to regret it so bad, Alexus!" Natatawang sambit ni Branson.

"Hayaan mo na iyon, Branson. Lalapit naman iyon sa'yo at babawiin ang sinabi niya kapag natigang na siya." Tawa ni Safire.

"Safire!" Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Ooops, sorry?" Tinakpan niya ang kanyang bibig at pinagpatuloy na ang kanyang workout session.

Being Wet Behind EarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon